Whamos Cruz, gumawa ng dance cover ng kantang ginawa ni MG

Whamos Cruz, gumawa ng dance cover ng kantang ginawa ni MG

- Binida ni Whamos Cruz ang kanyang sayaw sa saliw ng kantang nilabas ni MG patungkol kay Antonette Gail

- Imbes na sagutin pa ang sunod-sunod na patutsadahan nila ay minabuti ni Whamos na daanin na lang sa pagpapatawa ang lahat

- Matatandaang inalmahan ni Whamos kamakailan ang naging pahayag ni MG matapos daw itong hindi maimbita sa event nina Whamos

- Matatandaang nabanggit ni Whamos sa naunang panayam sa kanya na sinasakyan niya ang mga pangba-bash sa kanya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Inilabas ni Whamos Cruz ang kanyang dance cover ng kantang ginawa ni MG patungkol kay Antonette Gail. Matatandaang nabanggit ni Whamos sa naunang panayam sa kanya na sinasakyan niya ang mga pangba-bash sa kanya.

Whamos Cruz, gumawa ng dance cover ng kantang ginawa ni MG
Whamos Cruz, gumawa ng dance cover ng kantang ginawa ni MG
Source: Facebook

Kamukha naman sa suot na damit ni Antonette noong sumayaw siya sa party ang damit na suot ni Whamos. Imbes na sagutin pa ang sunod-sunod na patutsadahan nila ay minabuti ni Whamos na daanin na lang sa pagpapatawa ang lahat.

Read also

Pauleen Luna, ibinida ang picture ng kanyang ina kasama si Baby Mochi

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Whamos Cruz ay isang kilalang TikTok at YouTube content creator at isang social media star. Bukod sa kanyang mga viral video sa social media, nag-viral din ang kanyang pagsali sa Idol Philippines kung saan kinaaliwan siya ng mga judges. Matatandaang nakilala ang dalawa nang umabot sa programa ni Raffy Tulfo ang sumbong ng ina ni Antonette. Kaugnay ito sa pagtira umano ni Antonette kasama si Whamos. Tinutulan ito ng kanyang ina.

Kamakailan ay binahagi ni Antonette ang kanilang mga plano at pangarap para sa kanilang binubuong pamilya ni Whamos. Naniniwala umano siyang mag-iiba ang priority nila ni Whamos kapag lumabas na ang kanilang baby. Aniya, gagawin nila ang kanilang makakaya para maging hands-on parents habang patuloy na nagsusumikap para sa pamilya nila. Inaasahan niya din umano na mas magsisipag si Whamos dahil may anak na sila at maglalaan ito ng oras para sa kanila.

Read also

Xander Arizala, ibinida ang pagbigay ni Whamos Cruz ng pera para sa anak niyang si Xeres

Sa vlog ni Ryan Bang, nakausap at nakapanayam niya sina Whamos at Antonette. Inimbitahan niya ang dalawa sa isa sa kanyang Ducup stores at masayang nakipagkwentuhan sa kanila. Kabilang sa naitanong ni Ryan kay Antonette ay kung bakit nito minahal si Whamos. Naglabas ng kanyang komento si Ryan kaugnay sa naging sagot ni Antonette.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel