Xander Arizala, ibinida ang pagbigay ni Whamos Cruz ng pera para sa anak niyang si Xeres

Xander Arizala, ibinida ang pagbigay ni Whamos Cruz ng pera para sa anak niyang si Xeres

- Binahagi ni Xander Arizala ang video kung saan nagbigay ang content creator na si Whamos Cruz para sa anak niyang si Xeres

- Isa si Whamos sa mga ninong ng anak niya at kahit hindi daw ito nakarating sa birthday ni Xeres ay magkumpare pa rin sila

- Pabiro pang sinabihan ni Whamos si Xander na para sa inaanak niya ang perang binigay niya

- Matatandaang kamakailan ay nagsalita si Xander kaugnay sa isyu sa pagitan nina Christian Merck Grey at Whamos

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ibinida ni Xander Arizala ang video ng pagbibigay ni Whamos Cruz ng pera. Ito ay para sa inaanak ni Whamos na si Xeres na anak ni Xander.

Xander Arizala, ibinida ang pagbigay ni Whamos Cruz ng pera para sa anak niyang si Xeres
Xander Arizala, ibinida ang pagbigay ni Whamos Cruz ng pera para sa anak niyang si Xeres
Source: Facebook

Biniro pa ni Whamos si Xander na para sa inaanak niya ang pera at baka isanla daw niya ito kay Boss Toyo. Matatandaang naging usap-usapan kamakailan ang pagbenta ni Xander sa regalong cellphone ni Merck para sa anak niya.

Read also

Antonette Gail, na-ospital: "Lord kaya ko ito, mawawala na din ang iniinda ko"

Humingi naman ng pasensiya si Whamos kay Xander dahil hindi ito nakarating sa kaarawan ng kanyang anak.

Matatandaang kamakailan ay nagsalita si Xander kaugnay sa isyu sa pagitan nina Christian Merck Grey at Whamos.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Xander Ford ay ang dating pangalang ginamit ni Marlou Arizala, isang Filipino internet personality at dating miyembro ng grupong Hasht5. Noong 2017, nag-viral si Marlou Arizala matapos siyang sumailalim sa ilang cosmetic surgery procedures upang baguhin ang kanyang itsura. Matapos ang mga operasyon, nagdesisyon siyang gamitin ang pangalang "Xander Ford."

Kamakailan ay naglabas ng saloobin si Xander sa kanyang Instagram stories. Kaugnay ito sa aniya'y mga taong kanyang inimbitahan sa binyag ng kanyang anak. Hindi daw sila sumipot sa binyag at ikinadismaya ni Xander at kahit presensiya lang daw sana ng mga taong ito para sa kanyang anak ay ayos na sa kanya. Hindi naman na binanggit ni Xander kung sino ang kanyang tinutukoy na mga tao.

Read also

Whamos Cruz, gumawa ng dance cover ng kantang ginawa ni MG

Matatandaang pinangalanan ni Xander si Merck bilang yung taong kanyang tinutukoy sa kanyang post. Aniya, pinangakuan umano siya nito kaya pinapabayaran niya ang P349K na umano ay pinangako nito sa kanya. Dagdag pa niya, kung alam nila ay hindi na muna sana daw sila nagpabinyag. Humingi din siya ng tulong sa kanyang mga kaibigan na aniya ay makuha ang pinaglalaban niya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel