Antonette Gail, na-ospital: "Lord kaya ko ito, mawawala na din ang iniinda ko"

Antonette Gail, na-ospital: "Lord kaya ko ito, mawawala na din ang iniinda ko"

- Nag-post si Antonette Gail ng pictures niya matapos siyang isugod sa ospital

- Base sa kanyang naunang post, kailangan niyang maoperahan dahil sa kanyang iniinda

- Hindi naman nabanggit ni Antonette sa post kung ano ang dahilan ng pagpapaopera niya pero aniya ay magpapalakas siya para sa mahal niya sa buhay

- Matatandaang naging usap-usapan sila Antonette at Whamos pagkatapos ang birthday celebration ng anak nilang si Meteor

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naibahagi ni Antonette Gail ang ilang pictures niya na nakahiga sa hospital bed. Base sa kanyang naunang post, kailangan niyang maoperahan dahil sa kanyang iniinda.

Antonette Gail, na-ospital: "Lord kaya ko ito, mawawala na din ang iniinda ko"
Antonette Gail, na-ospital: "Lord kaya ko ito, mawawala na din ang iniinda ko"
Source: Facebook
Lord kaya ko ito, mawawala na din ang iniinda ko #operationday

Hindi na niya nabanggit kung ano ang kanyang iniinda pero sa naibahagi niyang mga pictures ay makikitang naging emosyonal siya habang kausap ang kanyang mag-amang sina Meteor at Whamos.

Read also

Antonette Gail, nilinaw na after party na siya sumayaw noong birthday ni Meteor

Ani Antonette, magpapalakas siya. Inihayag niya din ang pagmamahal sa kanyang mag-ama.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

kung pwede ko lang sabihin na nagmamakaawa lang ako kunyari eh, kaso hindi eh. papalakas muna ako!❤️ MAHAL KO MGA MAHAL KO SA BUHAY LALO NA YUNG ASAWA AT ANAK KO

Si Whamos Cruz ay isang kilalang TikTok at YouTube content creator at isang social media star. Bukod sa kanyang mga viral video sa social media, nag-viral din ang kanyang pagsali sa Idol Philippines kung saan kinaaliwan siya ng mga judges. Matatandaang nakilala ang dalawa nang umabot sa programa ni Raffy Tulfo ang sumbong ng ina ni Antonette. Kaugnay ito sa pagtira umano ni Antonette kasama si Whamos. Tinutulan ito ng kanyang ina.

Kamakailan ay binahagi ni Antonette ang kanilang mga plano at pangarap para sa kanilang binubuong pamilya ni Whamos. Naniniwala umano siyang mag-iiba ang priority nila ni Whamos kapag lumabas na ang kanilang baby. Aniya, gagawin nila ang kanilang makakaya para maging hands-on parents habang patuloy na nagsusumikap para sa pamilya nila. Inaasahan niya din umano na mas magsisipag si Whamos dahil may anak na sila at maglalaan ito ng oras para sa kanila.

Read also

Antonette Gail, nilinaw na nagpaopera siya pero dahil sa sakit at hindi dahil sa pagpapaganda

Sa vlog ni Ryan Bang, nakausap at nakapanayam niya sina Whamos at Antonette. Inimbitahan niya ang dalawa sa isa sa kanyang Ducup stores at masayang nakipagkwentuhan sa kanila. Kabilang sa naitanong ni Ryan kay Antonette ay kung bakit nito minahal si Whamos. Naglabas ng kanyang komento si Ryan kaugnay sa naging sagot ni Antonette.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel