Antonette Gail: "Magsalita ka kapag may hiningi kami sayo, okay?"

Antonette Gail: "Magsalita ka kapag may hiningi kami sayo, okay?"

- Inalmahan ni Antonette Gail ang aniya'y nagsalita tungkol sa ginanap na birthday ng anak nilang si Meteor

- Aniya, masaya sila at nairaos nila yung birthday ng anak nila at sila ang masusunod kung ano ang gusto nilang gawin

- Dagdag pa niya, pinaghirapan nila ang perang ginamit nila at aniya ay hindi naman nila hiningi ang kanilang pinaggastos sa birthday ng anak

- Matatandaang maging si Whamos ay bumwelta sa mga kapwa nila content creator na nagsalita tungkol sa kanilang event na ginanap sa Okada

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Umalma si Antonette Gail sa aniya'y nagsalita tungkol sa birthday celebration ng anak nila ni Whamos na si Meteor. Aniya, sila ang masusunod kung ano ang gusto nilang gawin dahil sarili nilang pera ang kanilang ginastos.

Antonette Gail: "Magsalita ka kapag may hiningi kami sayo, okay?"
Antonette Gail: "Magsalita ka kapag may hiningi kami sayo, okay?"
Source: Instagram
Ang dami niyong pinoproblema, basta kami masaya kami at nairaos namin yung birthday ng anak namin♥️ kami ang masusunod kung ano ang gusto namin gawin first of all own money namin yun pinaghirapan namin yun, magsalita ka kapag may hiningi kami sayo. okay?

Read also

Xander Arizala kay Merck: "Lagi siyang may masasabi na kung ano-anong puna niya"

Dagdag pa ni Antonette, inuuna pang problemahin ang problema ng iba kesa sa sariling problema kaya hindi umaasenso ang mga tao sa Pinas.

lahat nalang pinoproblema niyo lahat nalang ginagawan niyo ng issue. kaya hindi talaga umaasenso mga tao sa pinas eh, mas inuuna makialam sa problema ng iba bago unahin sarili nila.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Matatandaang kamakailan ay marami ang humanga at napabilib sa bonggang birthday celebration na inihanda ng mag-asawa para sa anak nilang si Meteor. Gayunpaman, umani ito ng mga komentong samu't-sari.

Si Whamos Cruz ay isang kilalang TikTok at YouTube content creator at isang social media star. Bukod sa kanyang mga viral video sa social media, nag-viral din ang kanyang pagsali sa Idol Philippines kung saan kinaaliwan siya ng mga judges. Matatandaang nakilala ang dalawa nang umabot sa programa ni Raffy Tulfo ang sumbong ng ina ni Antonette. Kaugnay ito sa pagtira umano ni Antonette kasama si Whamos. Tinutulan ito ng kanyang ina.

Read also

Merck: "Hindi pangit yung mga sayaw nyo, alam nyo kung ano tawag dun? 'wala sa lugar'"

Kamakailan ay binahagi ni Antonette ang kanilang mga plano at pangarap para sa kanilang binubuong pamilya ni Whamos. Naniniwala umano siyang mag-iiba ang priority nila ni Whamos kapag lumabas na ang kanilang baby. Aniya, gagawin nila ang kanilang makakaya para maging hands-on parents habang patuloy na nagsusumikap para sa pamilya nila. Inaasahan niya din umano na mas magsisipag si Whamos dahil may anak na sila at maglalaan ito ng oras para sa kanila.

Sa vlog ni Ryan Bang, nakausap at nakapanayam niya sina Whamos at Antonette. Inimbitahan niya ang dalawa sa isa sa kanyang Ducup stores at masayang nakipagkwentuhan sa kanila. Kabilang sa naitanong ni Ryan kay Antonette ay kung bakit nito minahal si Whamos. Naglabas ng kanyang komento si Ryan kaugnay sa naging sagot ni Antonette.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel