Isa sa dalawang gunmen sa pamamaril sa bus sa Nueva Ecija, arestado
- Arestado ang isa sa dalawang gunmen sa naganap na pamamaril sa isang bus sa Nueva Ecija noong Nobyembre
- Sa ulat ng ABS-CBN News, sinabi ng otoridad na nakasuhan daw ang dalawang gunmen, ang anak ng babaeng biktima at ang live-in partner nito at isa pang di nakikilalang driver
- Kinasuhan ang mga suspek ng two counts of murder sa prosecutor’s office sa Nueva Ecija
- Sa panayam n ABS-CBN News sa gunman, inamin niyang sangkot siya sa pagpaslang ngunit aniya ay sina alias "Umpak" at ang anak ng biktima na si alias "Tisoy" ang nagplano ng krimen
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Nasa kustodiya na ng otoridad ang isa sa dalawang gunmen na pumaslang sa dalawang biktimang lulan ng bus sa Nueva Ecija noong Nobyembre. Sa panayam ng ABS-CBN News, inamin nitong sangkot siya sa pagpaslang ngunit aniya ay sina alias "Umpak" at ang anak ng biktima na si alias "Tisoy" ang nagplano ng krimen
Ayon sa suspek na si alias Allan, P60,000 ang alok sa kanila sa kada tao at nakatanggap daw ng paunang bayad na P20,000 mula kay Tisoy.
Nagsisi naman si 'Allan' at humingi ng tawad sa pamilya ng mga biktima.
"Sa konsensya ko po, sa habag po ng aking damdamin, tao lang din po akong nagkakamali... Basta importante hindi po natutulog ang Panginoon,"
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Umapela din siya kina Umpak and Tisoy na sumuko na at harapin ang kaparusahan sa kanilang nagawa.
Kinasuhan ang mga suspek ng two counts of murder sa prosecutor’s office sa Nueva Ecija.
Kamakailan ay gumimbal sa publiko ang video na kuha sa dash cam ng isang pampublikong bus kung saan nakuhanan ang walang habas na pamamaril sa dalawang pasahero na napag-alamang live-in partners. Naganap ito nitong November 15, 2023 sa Nueva Ecija.
Matatandaang posible umanong may motibo ang anak ng biktimang babae sa naganap na pamamaril sa loob ng isang pampasaherong bus. Ayon sa PNP, nagkaroon ng alitan ang isa sa mga biktima at ang anak nito na kanyang kinasuhan. Ayon pa sa mga otoridad, naka-blotter ang anak nito at on bail lamang ang kanyang anak. Samantala, nabanggit umano ng biktima sa kapatid niya na may posibleng banta sa kanyang buhay.
Samantala, isinapubliko ng News5 ang bahagi ng video kung saan naghabilin ang babaeng biktima ng pamamaril sa loob ng bus sa Nueva Ecija. Kuha umano ito noong Marso ng kasalukuyang taon nang sila umano ay magkaalitang mag-ina. Ito ang sinasabing dahilan bakit naging person of interest ngayon ang nag-iisang anak ng babaeng biktima. Mariin naman itong itinanggi ng anak na nakapanayam mismo ng News5.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh