Aso ng TikToker na si Medwin Frias, naibalik na sa kanila

Aso ng TikToker na si Medwin Frias, naibalik na sa kanila

- Ibinahagi ng kapatid ng TikToker na si Medwin Frias na naibalik na sa kanila ang nawawalang aso ng kapatid niya

- Ito ay matapos mag-viral kamakailan ang video ni Medwin na kuha sa isang bus

- Nilinaw ng kanyang kapatid na walang katotohanan ang espikulasyong may kinalaman sa pinagbabawal na gamot ang sanhi ng nangyari sa kanyang kapatid

- Hiling ng kanilang pamilya na patuloy na ipagdasal na maging maayos ang kalagayan ni Medwin

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Binahagi ng kapatid ng TikToker na si Medwin Frias ang video ng pagbalik sa kanya ng aso ng kapatid niya na nawala. Matatandaang nag-viral kamakailan ang video ni Medwin.

Aso ng TikToker na si Medwin Frias, naibalik na sa kanila
Aso ng TikToker na si Medwin Frias, naibalik na sa kanila
Source: Facebook

Kasunod ng pag-viral ng video ni Medwin, nagpost ang kapatid niya na sana ay ibalik sa kanila ang aso.

Nilinaw ng kanyang kapatid na walang katotohanan ang espikulasyong may kinalaman sa pinagbabawal na gamot ang sanhi ng nangyari sa kanyang kapatid.

Read also

Video ng pagkikita nina Kyline Alcantara at Mavy Legaspi sa isang event, viral

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"My brother is going through a difficult phase in his life. As his sister, we took good care of him and spoke to him. He is now safe and well taken care of by a great facility. He is not into any substance."

Sa isang video ay pinasalamatan niya ang mga nag-alaga sa aso ng kanyang kapatid. Pinasalamatan niya rin ang mga supporters ng kanyang kapatid at hiling nila na ipagdasal ang mabilis na pag-ayos ng kalagayan ni Medwin.

Si Medwin Frias ay isang TikToker na kamakailan ay nag-viral matapos kumalat ang kanyang video kung saan pinapababa siya sa isang bus. May kasama din siyang aso. Kasunod ng pag-viral ng kanyang video ay nanawagan ang pamilya nito na maibalik ang alaga nitong aso na si Tory na matagal niya nang alaga.

Read also

Annabelle Rama, umalma sa mga fake news: "Gigil na gigil na akong isiwalat ang katotohanan"

Marami na nakikilala sa pamamagitan ng iba't-ibang social media platforms kagaya ng TikTok. Kamakailan ay marami ang naaaliw sa mga TikTok videos ng madre na si Sister Marlyn Mambusao. Hindi akalain ng marami na ang madreng katulad niya ay makakasunod sa mga kanta at mga dance moves na napapanahon ngayon . Good vibes ang hatid niya lalo na sa mga kabataan na nais din niyang mahikayat sa kanyang bokasyon. Bukod dito, marami rin siya umanong natatanggap na mensahe hindi lamang tungkol sa pagmamadre kundi maging ang tungkol sa payo sa buhay.

Matatandaang ang sikat na TikToker na si Dr. Krizzle Luna o mas kilalang “Doc Luna” naman ay humingi ng panalangin sa mga netizens. Ito ay matapos niyang masangkot sa aksidenta sa daan nang mawalan ng preno ang nasalubong nilang sasakyan. Lubhang tinamaan ang parte ng kanyang leeg na bahagi rin ng kanyang spine o ‘yung tinatawag na “C6 vertebra. Dahil dito ay hindi niya maigalaw ang kanyang katawan ngunit nagagalaw naman umano niya kahit papaano ang kanyang kamay.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel