Aso, hindi lumisan sa ospital ng mahigit isang taon sa pag-hihintay sa namayapang amo

Aso, hindi lumisan sa ospital ng mahigit isang taon sa pag-hihintay sa namayapang amo

- Marami ang naantig sa kwento ng asong pinangalanang Morgan dahil sa kanyang pamamalagi banda sa Morgue area ng MCU Hospital sa Caloocan City

- Mahigit isang taon na siyang naroroon sa ospital matapos ma-confine ang kanyang amo sa naturang ospital

- Sa kasamaang palad ay namayapa ang kanyang amo matapos ang pagkaka-confine dahil sa COVID

- Sa kasalukuyan ay nasa pangangalaga siya ng Animal Kingdom Foundation sa Tarlac matapos siyang ma-rescue

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ang asong si Morgan ay nanatili sa MCU Hospital sa Caloocan City sa loob ng mahigit isang taon dahil hinihintay niya ang kanyang amo. Pumanaw ang kanyang amo dahil sa COVID.

Asong naghintay ng isang taon sa namayapang amo sa labas ng ospital, na-rescue
Asong naghintay ng isang taon sa namayapang amo sa labas ng ospital, na-rescue
Source: Facebook

Ayon sa post ng Animal Kingdom Foundation, pinangalanan siyang Morgan dahil sa kanyang pamamalagi banda sa Morgue area ng MCU.

Hindi raw umalis si Morgan simula nang ma-confine ang kanyang amo at naghintay sa kanyang amo.

Read also

Gerald Anderson, nagbukas ng panibagong branch ng kanyang gym

We learned from the people at MCU Hospital that Morgan’s owner was confined there last year because of COVID. Unfortunately, HIS OWNER DIED. MORGAN NEVER LEFT SINCE, HE WAITED FOR HIS MASTER, FOR MORE THAN A YEAR. HE IS NOT AWARE THAT HIS BELOVED MASTER IS NEVER COMING BACK.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa tulong ng mga doktor, mga studyante, med rep, hospital staff at guard ay nakakain siya habang nasa ospital. Kasalukuyang nasa AKF Center si Morgan para masuri at maiayos ang kanyang kalusugan.

Matatandaang umantig sa puso ng marami ang post tungkol sa asong inihabilin ng kanyang may-ari na isang lola. Na-stroke na ang lola na nagpakilalang si Ignacia kaya hindi na rin niya umano kayang alagaan ang aso. Mayroon ding sakit ang aso kaya isa sa mga bilin ni Lola Ignacia ay ang pagpapatuloy sana ng gamutan ng alaga. Samantala, nasa pangangalaga na ng Animal Kingdom Foundation ang aso na bukas umano sa pagbisita ni Lola Ignacia kung nais niyang makita muli ang alaga.

Read also

Jason sa movie ni Melai: "Manood at support natin ang pinakamaingay na babae na kilala ko"

Umantig din sa puso ng mga netizens ang video ng isang lola na wala nang nagawa kundi ang umiyak nang mabagansya ang kanyang mga alagang aso. Nakita lamang daw niya ang mga ito sa kanilang PLaza at kanya na itong pinakain at kinupkop. Mula noon, ang mga ito na raw ang kasa-kasama niya buhay sa araw-araw. Kaya naman wala raw siyang ibang hiling ngayon kundi ang makasama mulai ang mga alagang mahal na mahal niya.

Muling nakapiling kahit sandali ni Lola Ligaya ang kanyang mga alagang sina Brownie at Blackie. Sa tulong ng programang Kapuso mo Jessica Soho, nakitang muli ni Lola Ligaya ang kanyang mga alagang kinupkop ng animal shelter. At dahil tatlong dekada na ring homeless si Lola Ligaya, kinausap na rin ito ng MSWD at pumayag naman na ito na manirahan sa shelter upang hindi na siya magpagala-gala sa kalsada .

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate