Escort noong daycare, kalauna'y naging mister na ng kanyang muse

Escort noong daycare, kalauna'y naging mister na ng kanyang muse

- Nagpakilig sa marami ang larawan ng dating muse at escort noong sila ay nasa daycare pa lamang at kalauna'y ikinasal makalipas ang pitong taong magkasintahan

- Kwento ng babae, 13 taon silang hindi na nagkita ng ngayo'y mister na niya bago sila nagkaroon ng relasyon

- Nang bumisita siya muli sa Negros Occidental, doon muli sila nagkita ng dati niyang escort

- Tila tadhana umano na sila pala talaga ang para sa isa't isa gayung sila pa rin ang nagkatuluyan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pag-asa ang hatid ng kwento ng pag-iibigan nina Kim at Peter Arroz na dati lamang magkapareha bilang escort at muse noong sila ay nasa Daycare pa lamang ngunit ngayon ay mag-asawa na.

Escort noong Daycare, kalauna'y naging mister na ng kanyang muse
Sina Kim at Peter Arroz (Kim Sibunga-Arroz)
Source: Facebook

Sa ulat ng State of the Nation, mabilis umanong nag-viral ang larawang naibahagi ni Kim.

Read also

Libing ng magkasintahang pumanaw sa aksidente, araw din ng kanilang kasal

Kwento nito, 13 taon na silang hindi nagkita ni Peter nang lumipat na sila sa Laguna.

Muli lamang silang nagkita nang bumisita si Kim sa Negros Occidental at nasabi ng kanyang ina na si Peter ang dati niyang escort noong sila'y nasa daycare pa lamang.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Pahayag ni Kim sa IBC Digital, 18 anyos na sila nang magkitang muli. Pitong taon din ang kanilang naging relasyon bago tuluyang mahantong sa kasalan ang kanilang pag-iibigan.

Aniya, tila itinadhana talaga ang kanilang pag-iisang dibdib dahil sa kabila ng mga nangyari tulad ng mahigit isang dekada nilang hindi pagkikita, sila pa rin umano ang nakalaan para sa isa't isa.

Sa kabila ng kasagsagan ng pandemya noong mga nakaraang taon, samu't saring kwentong kasalan pa rin ang naganap na nakapagbigay inspirasyon sa marami.

Read also

Ogie Diaz sa viral video ng grupong nanira ng gamit sa resort: "Aba'y kinukuha pa 'yung deposit"

Tulad na laman ng mga lolo at lola na naging mag-textmates lamang ngunit nauwi sa kasalan. Pinatunayan nina Marilou Castañeda, 69-anyos at ng 68-anyos na si Armando Ramos ng Sablayan, Occidental Mindoro na walang pinipiling edad ang pagpapakasal at pagmamahalan. Bagama't magkalayo, nagawan nila ng paraan na magkita bagay na lalong nagpatatag ng kanilang relasyon dahil mas nabighani umano si Lolo Armando sa kanyang text mate. Hanggang sa magdesisyon na nga ang dalawa na magpakasal upang mas mapagtibay ang kanilang pagmamahalan.

Gayundin naman ang kwento ng bagong kasal na pagiging praktikal naman ang naituro ng kanilang kwentong kasalan dahil sa Php3,000 lamang ang nagastos nila sa kanilang wedding reception. Ito ay dahil ginanap ang salo-salo sa Mang Inasal at inilaan ang perang sana'y gagastusin sa reception sa 6000 sqm na lote para sa kanilang mag-asawa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel