Post ng isang UP graduate ukol sa hirap ng buhay, umantig sa puso ng marami
- Viral ngayon ang post ng isang UP graduate na kinapulutan ng aral ng marami
- Aakalain ng ilan na negatibo ang kanyang post tungkol sa kanyang pagtatapos sa kolehiyo
- Subalit nasasalamin lamang nito ang katotohanan sa karamihan sa mga kabataang namulat sa pamilyang limitado lamang ang kakayanan sa buhay
- Umani ng papuri ang naturang post na sa kasalukuyan ay mayroon nang 185,000 na positibong reaksyon
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Usap-usapan ngayon sa social media ang post ng UP graduate na si Jaynard Tiangco Ronquillo.
Sa umpisa pa lamang ng nasabing post, labis na naintirga na ang mga mambabasa at aakalaing negatibo ang nais nitong ipahiwatig.
"Sana hindi niyo nalang ako ipinanganak... Most of you might wonder why would I start my message with an awful, disturbing, and heartbreaking line? Because as we know, graduation posts usually show how grateful you are for the people who have helped you along the way such as your friends, and family. Unfortunately, I choose to unveil the other side of the story too," bungad ni Jaynard.
Aminado si Jaynard na nasabi niya ito noong siya ay 11 taong gulang pa lamang nang hindi siya mabigyan ng ina ng pera para sana makasakay sa ilang carnival rides. Sa murang edad, kahit ipaliwanag ng ina kung bakit hindi siya nito mabigyan ng perang hinihingi, doon nasabi ni Jaynard ang mga katagang "Sana hindi niyo nalang ako ipinanganak".
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Naulit umano ito sa nang siya ay tumuntong sa kolehiyo na sa kabila ng pagkakaroon ng ilang scholarships, kinakapos pa rin umano sila dala ng kahirapan.
"Returning to the second and final scenario where I spoke the words, "Sana hindi niyo nalang ako ipinanganak" it was triggered by a delay in receiving stipends from my scholarships, leaving us without any source of income. We were already midway through the semester, and the mounting debts were becoming overwhelming. I reached out to my mother for financial assistance, as I needed the money for rent, internet, electricity, and water bills. Unfortunately, we were left with absolutely nothing to spare, and there were no options for borrowing either. Regrettably, driven by sheer frustration, I let those painful words escape my lips once again,"Sana hindi niyo nalang ako ipinanganak"
Gayunpaman, napagtanto ni Jaynard ang hirap at sakripisyo ng kanyang mga magulang upang sila ay maitaguyod. Naisip niya na maaring may mga pangarap din ang mga ito na hindi na nagawang tuparin dahil nakatutok na lamang sila pagpapalaki sa kanila.
"Moreover, clarifying that this post is not intended to blame my parents. It’s crucial to acknowledge that during their time, they were hindered in their pursuit of dreams by a system that unjustly favored a select few. So, while working hard for our own can totally improve our lives, we can’t ignore the need to fix the system too. "
Aniya, magsilbing aral umano ang kanyang karanasan lalong-lalo na sa mga magiging magulang pa lamang na pag-isipang mabuti kung anong klaseng buhay ang maibibigay nila sa kanilang magiging anak.
"So, as I celebrate this milestone, I want to take a moment to inspire future parents who might come across this post. Please listen to my story and let it guide you on your journey toward parenthood."
Sa kabila ng kanyang pinagdaanan, labis pa rin ang pasasalamat niya sa kanyang pamilya na nagsilbing inspirasyon tagumpay na narating niya sa ngayon.
"To my loving family, I want to express that you are the reason why I aspire to achieve success someday. Your support and encouragement have inspired me to strive for greatness, and I am driven by the desire to make you proud. Your belief in me fuels my determination to reach my goals and create a better future. Ma, Pa, may college graduate na kayo"
Narito ang kabuuan ng kanyang post:
Tulad ni Jaynard, marami sa mga kabataang Pinoy na sa kabila ng kahirapan sa buhay, naabot pa rin ang pangarap na makapagtapos sa pag-aaral.
Matatandaang nag-viral din kamakailan ang video ng isang magsasaka na tila nahihiyang umakyat sa entablado para sa graduation ng anak sa kolehiyo. Gayunpaman, mababakas sa mga ngiti sa kanyang labi ang saya at kung gaano ito ka-proud sa anak. Sa kabila ng ikinabubuhay nitong pagtatanim ng kamote at iba pa sa mga kabundukan, naigapang nito ang pag-aaral sa kolehiyo ng kanyang anak.
Samantala, umani ng papuri ang working student na isang delivery rider na humihinto sandali sa trabaho para mabigyang daan noon ang kanyang online class. Makalipas ang dalawang taon, nakatapos na ito ng kolehiyo with latin honors.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh