Carlo Aquino at Charlie Dizon, emosyonal nang mapag-usapan ang kanilang relasyon

Carlo Aquino at Charlie Dizon, emosyonal nang mapag-usapan ang kanilang relasyon

- Hindi napigilang maging emosyonal nina Carlo Aquino at Charlie Dizon nang mapag-usapan ang kanilang relasyon.

- Unang nagpigil ng luha si Carlo habang nagbabahagi si Regine Velasquez ukol sa hindi pagpapabago sa iyong karelasyon

- Napansin agad ito ni Melai Francisco at agad namang pinaliwanag ni Carlo na ganoon daw umano si Charlie sa kanya

- Ayon naman kay Charlie, biggest surprise sa kanya ang relasyon nila ni Carlo

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naging emosyonal sina Carlo Aquino at Charlie Dizon nang mapag-usapan na sa programang Magandang Buhay ang kanilang relasyon.

Carlo Aquino at Charlie Dizon, emosyonal nang mapag-usapan ang kanilang relasyon
Carlo Aquino at Charlie Dizon (Carlo Aquino)
Source: Facebook

Habang nagbabahagi ang isa sa mga host ng show na si Regine Velasquez tungkol sa tunay na pagmamahal na hindi kailangang baguhin ang isang tao, napansin ni Melai na 'teary-eyed' na si Carlo.

"'Yun nga, ganu'n siya sa akin," ang agad na nasagot ni Carlo. Paliwanag pa ng aktor, ramdam niyang mahal siya talaga ni Charlie at hindi pa raw umano siya na-in love nang tulad ng nararamdaman niya sa aktres.

Read also

Guest sa E.A.T., maraming napaluha dahil sa hinaing sa mga anak: "Bakit ako, dito lang?"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Samantala, nilarawan naman ni Charlie na 'biggest surprise' ang relasyon nila na ito ni Carlo na aminado siyang pinipigilan pa niya noon.

"Nung una, iwas na iwas ako. So hindi ko talaga ine-expect 'yung timing niya and all. Pero first time ko na-feel na ah, bakit open ako ngayon? Ta's parang siya lang din talaga 'yung nakagawa 'nun. Nagkaroon din ako ng relationship before. Hindi ganito sobra, as in sobrang totally different. Ibang-iba so parang ngayon ko lang na-experience na ah, ganito pala ang may jowa talaga," paliwanag ni Charlie na hindi na rin napigilang maluha.

Narito ang kabuuan ng kanilang naging pahayag mula sa Magandang Buhay, ABS-CBN News channel:

Si Carlo Aquino o Carlo Jose Liwanag Aquino sa totoong buhay unang nakilala bilang isang child star. Nakitaan siya ng husay sa pag-arte sa murang edad at nakatanggap ng ilang acting awards. Lalo na ang naging kanyang famous lines sa pelikulang “Bata, Bata... Paano ka Ginawa?” kung saan nakasama niya ang Star for All Seasons na si Vilma Santos.

Read also

Madam Inutz, inalala ang pagkakataong na-KMJS siya: "2 years na"

Matatandaang inalmahan ni Barbie Imperial ang pandadawit sa kanya sa paghihiwalay nina Carlo at Trina Candaza. Sa kanyang YouTube video kung saan nagbasa at nag-react siya sa mga mean comments sa kanya, isang netizen ang nagsabing siya ang dahilan ng paghihiwalay ng dating magkarelasyon. Nilinaw ni Barbie na hindi siya ang dahilan lalo at naghiwalay umano sila noong nakaraang taon at ngayong taon lang sila nagkatrabaho ni Carlo. Nagkasama sina Barbie at Carlo sa pelikulang "I Love Lizzy" na bahagi ng 30th anniversary ng Star Magic.

Samantala, sa media conference ng kanilang bagong pelikula na 'Third World Romance' nabanggit na ni Carlo ang umano'y mga plano nila ni Charlie na magkasama tulad ng pagkakaroon umano ng pamilya. Paliwanag ni Carlo, isa naman talaga ito sa goal sa pagpasok sa relasyon, ang pagkakaroon ng makakasama sa buhay.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel