Guest sa E.A.T., nagpaluha sa marami dahil sa hinaing sa mga anak: "Bakit ako, dito lang?"

Guest sa E.A.T., nagpaluha sa marami dahil sa hinaing sa mga anak: "Bakit ako, dito lang?"

- Marami ang naantig ang puso sa panauhin sa "E.A.T." na si Mommy Angie

- Naikwento niya ang kanyang pamumuhay na mag-isa sa loob ng tatlong taon

- May kanya-kanya na umanong pamilya ang kanyang mga anak at ayaw naman niyang sumama sa mga ito

- Gayunpaman, nais sana niyang mabisita ng mga ito ng mas madalas lalo na at may mga sasakyan naman ito para madali sana siyang mabisita

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Umantig sa puso ng marami ang Babala! 'Wag Kayong Ganuuun... contestant ng E.A.T. na si Mommy Angie.

Guest sa E.A.T., napagpaluha sa marami dahil sa hinaing sa mga anak: "Bakit ako, dito lang?"
Mommy Angie (E.A.T./ TVJ)
Source: Facebook

Natanong ng mga hosts kung sino ang kasama ni Mommy Angie sa show at doon naikwento niyang namumuhay umano siya na mag-isa buhat nang mamayapa na ang kanyang mister.

"Sabi ko nga, kami yata, pa-raffle na lang. Feeling ko parang 'yung katulad namin na parang kaya namin, parang 'umm kaya naman 'yan ni mama. Syempre, emotional ako," bungad ni Angie.

Read also

Carlo Aquino at Charlie Dizon, emosyonal nang mapag-usapan ang kanilang relasyon

"I think, I have to be alone. Kasi ayaw ko namang tumira sa mga anak kasi may mga manugang 'yun so baka mapagbintangan pa akong alam mo na 'yun"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Naikwento pa niyang isa lamang kaibigan nila ang nakakaalam ng pagpunta niya sa E.A.T.

"Actually, hindi alam ng mga anak na nandito ako. Ang nakakaalam lang 'yung kaibigan namin. They called up last night. Hindi talaga ako nagpaalam na nandito ako."

Kahit na mayroon siya umanong dalawang mga anak, mga busy raw ito at "once in a blue moon" na lamang daw siya bago madalaw.

"Busy sila, parang ano ba! May mga sasakyan naman kayo ba't hindi niyo ako madalaw. Nakakapunta kayo kung saan-saan, bakit ako dito lang. 'Yung lumalabas kayo parang hindi ako maalala but, hindi naman kasi ako mukhang kawawa kaya binabalewala na lang nila ako"

Read also

Madam Inutz, inalala ang pagkakataong na-KMJS siya: "2 years na"

Gayunpaman, nilinaw ni Angie na maaring pakiramdam lamang niya ito na maaring tama o maari rin namang mali.

"Feeling ko lang po 'yun. Ang feeling ay pwedeng tama pwedeng mali. So it's my feeling na parang nine-neglect nila ako. Although feeling ko hindi naman"

Ang tangi lamang sana niyang hiling ay ang madalaw siya ng mga anak at mga apo nang mas madalas.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa Facebook page ng TVJ:

Ang Eat Bulaga ang itinuturing na longest-running noontime show hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo kung saan sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon ang orihinal na hosts ng naturang programa. Una itong napanood noong taong 1979 sa RPN 9 na sinundan ng pagiging Kapamilya nila sa loob ng anim na taon. At ang pinakahuling naging tahanan nila ay ang GMA 7 sa loob naman ng 28 na taon.

Read also

MTRCB Chair Lala Sotto sa gesture ng kanyang magulang sa E.A.T: "There was no violation"

May 31 nang gumulantang sa publiko ang pamamaalam nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon sa TAPE Inc. Nito lamang June 7, kinumpirma ng TVJ na ang TV5 ang magiging bago nilang tahanan gayundin ng iba pang dating Eat Bulaga host na piniling sumama pa rin sa kanila. Hulyo 1, emosyonal silang humarap sa publiko sa bago nilang programa na E.A.T.

Samantala, ilan sa mga pumalit na host ng Eat Bulaga sina Isko Moreno at Paolo Contis. Kamakailan, naglabas ng saloobin si Paolo sa mga nagsasabing 'Fake Bulaga'. Ayon kay Paolo, walang peke sa ipikikita nilang pagmamalasakit at pagbibigay saya sa kanilang mga manonood.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel