Magsasakang nakapagpatapos ng anak sa kolehiyo, umantig sa puso ng marami
- Umantig sa puso ng marami ang video ng isang amang magsasaka na nakapagpatapos ng kanyang anak sa kolehiyo
- Nag-viral ang naturang video na umani rin ng papuri mula sa mga netizens
- Makikita kung gaano ka-proud ang ama sa anak na nakatapos ng Bachelor of Arts in History
- Tunay na inspirasyon ang hatid ng naturang video na hatid ay pag-asa at patunay na tagumpay ang kinakaharap ng isang taong may pagtitiyaga at determinasyon
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Agaw-eksena sa social media ang video ng isang amang magsasaka na napagtapos ang anak sa kolehiyo.
Nalaman ng KAMI na ito ay si Vilma Talibukas Abwatan ng Baco Community College, Oriental Mindoro at nakatapos siya ng kursong Bachelor of Arts in History.
Sa video na kuha ni Councilor Jay Najito na naibahagi rin ng 103.1 Brigada News FM - Naga City makikita si Vilma na kasama ang kanyang ama sa entablado sa araw ng kanyang Graduation.
Tila nahihiya ang ama subalit mapapansin din kung gaano ito ka-proud sa tagumpay na natamasa nila ng kanyang anak.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Sa kabila ng ikinabubuhay nitong pagtatanim ng kamote at iba pa sa mga kabundukan, naigapang nito ang pag-aaral sa kolehiyo ng kanyang anak.
Kaya naman ganoon na lamang umano ang pagsusumikap ni Vilma na maging isang teacher at determinadong pumasa sa licensure examinations for teachers.
Narito ang kabuuan ng naturang video:
Matatandaang minsan ding nag-viral at umantig sa puso ng marami ang post ng isang senior high school graduate na proud sa kanyang ama.
Isa umanong backhoe operator ang ama ng estudyanteng si Guillerma Idias na sinikap na makadalo pa rin sa kanyang Pagtatapos.
Umantig sa puso ng marami ang larawan ni Guillerma at amang si Florentino na hindi na umano nakapagpalit pa ng damit mula sa trabaho.
Labis-labis ang pasasalamat ni Guillerma sa ama na kahit mababakas ang pagod sa trabaho ay nakangiti pa rin ito sa espesyal na araw niya na sinikap talaga nitong daluhan.
Isa rin sa pumukaw sa damdamin ng mga netizens kamakailan ay ang nagtapos ng kolehiyo na si Juvelyn Dela Torre Eugenio. Bitbit kasi ni Juvelyn ang larawan ng kanyang mga magulang na yumao na.
Hindi na inabot ng mga magulang ni Juvelyn ang kanyang graduation gayung magkasunod na taon halos ito nawala. Subalit siniguro ni Juvelyn na makakasama niya sa pag-akyat sa stage ang mga magulang kahit larawan manlang ng mga ito.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh