Conjoined twins na nag-viral, naka-graduate na ng elementarya na with honors

Conjoined twins na nag-viral, naka-graduate na ng elementarya na with honors

- Nagtapos na ng elementarya ang conjoined twins na sina Joy at Joyce Magsino

- Hindi lamang sila nagtapos gayung with honors pa silang magkapatid

- Sa kabila ng kanilang kondisyon ay napagtagumpayan nila ang kanilang pag-aaral sa elementarya

- Dahil dito, marami ang na-inspire at humanga sa dalawa na kitang-kita ang saya sa pag-akyat nila ng entablado upang kunin ang kanilang mga medalya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Muling nag-viral ang conjoined twins na sina Joy at Joyce Magsino na nagtapos ng elementarya kamakailan.

Conjoined twins na nag-viral, naka-graduate na ng elementarya na with honors
Sina Joy at Joyce kasama ang inang si Jhomarie nang tanggapin nila ang kanilang medalya (@kenseverything/athenamagsino)
Source: TikTok

Nito lamang Hulyo 12, ibinahagi ng kanilang kapatid na si Fatima Athena Magsino ang maiksing video mula sa graduation ceremonies ng dalawa sa Lucena East I Elementary School.

Kitang-kita ang saya sa magkapatid nang umakyat sila sa entablado para tanggapin ang kanilang mga medalya gayung isa sila sa mga 'with honors' sa kanilang klase.

Read also

Delivery rider na lumusong sa baha at tumatanggi sa tip, labis na hinangaan

Wala ring pagsidlan ng kasiyahan ang ang kanilang ina na si Jhomarie Magsino na kasama ng kambal sa pag-akyat nila ng entablado.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa ngayon, umani na ng halos 140,000 na heart react ang naturang TikTok video ni Athena na pawang inspirasyon ang hatid sa bawat manonood.

Narito ang kabuuan ng video:

Sina Joy at Joyce Magsino ay ang conjoined twins na minsan nang naitanghal sa ilang programa sa telebisyon tulad ng Rated K. Ito ay dahil sa kakaiba nilang kondisyon kung saan magkaharap na magkadikit ang kanilang ulo. Inaakala ng marami na magiging mahirap ang kanilang buhay dahil sa kanilang kalagayan. Subalit ngayong 15-anyos na sila at nakapagtapos sa elementarya na may karangalan, patunay lang na di hadlang ang kanilang sitwasyon para makamit ang tagumpay.

Kamakailan ay nag-viral din ang video ng isa umanong magsasaka na napagtapos ang anak sa kolehiyo. Sa video na kuha ni Councilor Jay Najito na naibahagi rin ng 103.1 Brigada News FM - Naga City makikita si Vilma na kasama ang kanyang ama sa entablado sa araw ng kanyang Graduation.Tila nahihiya ang ama subalit mapapansin din kung gaano ito ka-proud sa tagumpay na natamasa nila ng kanyang anak.Sa kabila ng ikinabubuhay nitong pagtatanim ng kamote at iba pa sa mga kabundukan, naigapang nito ang pag-aaral sa kolehiyo ng kanyang anak.

Read also

Albie Casiño natanong kung napatawad na si Andi Eigenmann: "Hindi ko na binibigyan ng energy 'yon"

Isa rin sa pumukaw sa damdamin ng mga netizens kamakailan ay ang nagtapos ng kolehiyo na si Juvelyn Dela Torre Eugenio. Bitbit kasi ni Juvelyn ang larawan ng kanyang mga magulang na yumao na. Hindi na inabot ng mga magulang ni Juvelyn ang kanyang graduation gayung magkasunod na taon halos ito nawala. Subalit siniguro ni Juvelyn na makakasama niya sa pag-akyat sa stage ang mga magulang kahit larawan manlang ng mga ito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel