Pastor Dimver Andales, balak na kasuhan ang nagpapakalat ng 'tsismis' sa kanya

Pastor Dimver Andales, balak na kasuhan ang nagpapakalat ng 'tsismis' sa kanya

- Pinabulaanan ni Pastor Dimver Andales ang mga lumabas na alegasyon laban sa kanya kasunod ng pag-viral ng kwento tungkol sa post ng Facebook user na si Jone Orog

- Si Pastor Andales ang pinapalabas na siyang nagpapatay umano sa boyfriend ni Jone na si Adriane Rovic Fornillos

- Mag-aapat na buwan na daw ang nangyaring pagpaslang kay Fornillos kaya nagtataka daw siya kung bakit dinadawit ang pangalan niya

- Balak daw magkaso ng pastor at aniya ay sinisira ang kanyang pangalan lalo at tatakbo ang kanyang anak nitong barangay election

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pinabulaanan ni Pastor Dimver Andales ang pagkakadawit ng pangalan sa viral social media posts ng Facebook user na si Jone Orog. Sa panayam ng iFM CDO, sinabi niyang walang basehan ang tsismis na sinasabing siya ang 'sugar daddy' ni Jone.

Read also

Gladys Guevarra, kinumpirmang kinasal siya: "Hindi po ito collab, ito po ay katotohanan"

Pastor Dimver Andales, balak na kasuhan ang nagpapakalat ng 'rumors' sa kanya
Pastor Dimver Andales, balak na kasuhan ang nagpapakalat ng 'rumors' sa kanya (iFM CDO/Facebook)
Source: Facebook

Mariin niyang pinabulaanan ang akusasyong siya ang nagpapaslang sa boyfriend ni Jone na si Adriane Rovic Fornillos. Aniya, halos apat na buwan na nang mapaslang si Adriane bakit ngayon lang siya dinadawit dito. Balak daw magkaso ng pastor at aniya ay sinisira ang kanyang pangalan lalo at tatakbo ang kanyang anak nitong barangay election.

Ayon sa pastor, nasa Bukidnon siya noong May 9 kasama ang kanyang pamilya noong araw na pinaslang si Adriane. Aniya, sana ay maging mapanuri ang mga tao dahil ang mga nag-post ng tsismis tungkol sa kanya ay pawang dummy account.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kabilang sa ilang mga viral na balita sa social media na naging-usap-usapan ay ang kaso ng isang 80 anyos na lolo na pinakulong. Matatandaang umani din ng simpatya ang pag-viral ng kwento tungkol sa pinakulong na 80 anyos na matanda dahil sa umano'y pagkuha nito ng mangga. Ang korte ay may ipinataw na piyansa sa halagang P6,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Ibinahagi ng Asingan Police Station ang video ng pansamantalang paglaya ni Lolo Narding Floro, ang 80-anyos na inaresto sa umano'y pangunguha ng manggang siya naman daw ang nagtanim. Dumagsa ang mga nais na magbigay ng piyansa sa matanda subalit mayroon nang nakapagpiyansa para sa kanya. Kaya naman ang mga nalikom na tulong na dumagsa para kay Lolo Narding ay magagamit niya sa pang-araw araw lalo na at namumuhay na raw pala itong mag-isa.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate