Rosmar Tan, gustong mahanap at tulungan ang rider na lumuhod na nagmakaawa sa enforcer

Rosmar Tan, gustong mahanap at tulungan ang rider na lumuhod na nagmakaawa sa enforcer

- Binahagi ni Rosmar Tan ang picture ng nag-viral na delivery rider dahil sa kanyang ginawa

- Lumuhod ito para magmakaawa sa enforcer matapos siyang mahuli sa hindi pa nalalamang violation

- Agad na umantig sa netizens ang tagpong ito dahil marami ang napaisip na malamang ay matindi ang pangangailangan ng lalaki para gawin niya iyon

- Ani Rosmar, gusto niyang bigyan ng P10,000 ang lalaki sa viral na video para makatulong sa kanya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Gustong mahanap ni Rosmar Tan ang delivery rider sa isang viral video na lumuhod para magmakaawa sa enforcer. Ani Rosmar, gusto niyang bigyan ng P10,000 ang lalaki sa viral na video para makatulong sa kanya.

Rosmar Tan, gustong mahanap at tulungan ang rider na lumuhod na nagmakaawa sa enforcer
Rosmar Tan, gustong mahanap at tulungan ang rider na lumuhod na nagmakaawa sa enforcer (@rosmartan)
Source: Facebook

Bukod sa 10,000 ni Rosmar, mayroon din nagmessage na magdadagdag siya ng P5,000 para sa rider. Mayroon ding magbibigay ng helmet dahil tila ito umano ang dahilan kung bakit siya nagka-violation.

Read also

Estudyanteng bitbit sa stage ang larawan ng mga yumaong magulang, viral

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Agad na umantig sa netizens ang tagpong ito dahil marami ang napaisip na malamang ay matindi ang pangangailangan ng lalaki para gawin niya iyon.

Si Rosmar Tan o Rosemarie Tan ay nakilala sa social media dahil sa kanyang pamamahagi ng tulong sa mga netizens lalo na ngayong panahon ng pandemya. Unti-unting lumaki ang bilang ng mga taong naka-follow sa kanyang social media accounts.

Matatandaang naging emosyonal ang vlogger na si Rosemar kaugnay sa video kung saan pinagtatawanan umano ang dati niyang itsura. Inalmahan niya ang umano'y pang-bu-bully sa kanya ng ilang sikat na influencer sa TikTok. Mayroon din umanong screenshot ng conversation ng mga ito ng kanilang pang-bu-bully kay Rosmar. Tila naman humingi na ito ng saklolo sa tinaguriang sumbungan ng bayan, ang "Raffy Tulfo in Action" na kanyang binanggit sa kanyang post.

Read also

74-anyos na lola na mahigit 20 taon nang jeepney driver, hinangaan ng marami

Sinabi ni Rosmar na hindi talaga siya nagparetoke dahil natatakot umano siya. Nagpaturok lang umano siya para masubukan yung enhancement para magkaroon siya ng ilong na kagaya sa mga artista. Sa naturang video ay ginalaw pa niya ang kanyang ilong bilang patunay na hindi umano siya nagparetoke. Dagdag pa niya, alam umano niya na isang taon lang ang bisa ng kanyang pagpapaturok at bumalik na sa dati ang kanyang ilong.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate