GCash, naglabas na ng pahayag ukol sa mga umano'y nawalang pera ng ilang users

GCash, naglabas na ng pahayag ukol sa mga umano'y nawalang pera ng ilang users

- Naglabas na ng pahayag ang Gcash kaugnay sa umano'y biglang pagkawala ng pera ng ilang users

- Halos pare-pareho ang dinanas ng mga users kung saan nailipat sa ilang bank accounts ang malaking halaga ng kanilang mobile wallet

- Patuloy ang imbestigasyon sa nangyari lalo na't sinabi ng Gcash na hindi umano sila na-hack

- Samantala, naibalik na umano ang pera ng ilan sa mga users na umano'y labis na naabala at pinakaba ng nangyari

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Matapos na magsilabasan ang mga umano'y nawalan ng pera sa kanilang mobile wallet, naglabas na ng pahayag ang Gcash.

GCash, naglabas na ng pahayag ukol sa mga umano'y nawalang pera ng ilang users
GCash, naglabas na ng pahayag ukol sa mga umano'y nawalang pera ng ilang users
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na agad na binigyang pansin ng naturang mobile wallet app ang naturang insidente lalo na at marami ang umano'y nawalan ng pera sa kanilang account.

Read also

Smart phone, pinaniniwalaang na-hack matapos kumonekta sa public wifi

"Chini-check natin at iniimbestigahan po 'yan. At this point, hindi lang ako maka-disclose ng full details po, kasi on going po 'yan at meron din po kasi kaming bank partners na kailangan din pong makipag-ugnayan for the full investigation," pahayag ni Gilda Maquillan ang VP for communications ng Gcash.

Sa kanila namang official statement na naibahagi sa kanilang Facebook page, sinabi ng Gcash na naibalik na umano ang halagang inakala ng marami ay nawala.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Samantala, agad na umaksyon at nagsagawa ng internal investigation ang ilang bangko na umano'y nalipatan ng trasaksyon sa nawalang pera ng ilang Gcash users.

Narito ang kabuuan ng pahayag ng Gcash na naibahagi rin sa 24 Oras ng GMA:

Isa umano ang komedyanteng si Chad Kinis na nabiktima umano ng biglaang pagkawala ng pera sa kanyang Gcash account. Tulad ng ibang mga users ng naturang mobile wallet, Php85 ang naititirang pera sa account. Labis na naalarama si Chad gayung may kalakihan ang halaga sa kanyang account at walang security alerts tulad ng pagpapadala ng OTP o one time passwords bago naisagawa ang umano'y paglilipat ng pera.

Read also

VP Sara, tinanggal ang sariling larawan bilang bahagi ng direktiba ng Deped na 'bare classrooms'

Isa rin umanong netizen ang nagbahagi ng kanyang karanasan kung saan gumulantang sa kanya ngayong Mayo 9 ng umaga ang pagkawala ng nasa Php30,000 na laman ng kanyang Gcash. Isa rin siya sa mapalad na user na naibalik agad ang perang inakala niyang naglaho na lamang na parang buo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica