Asong may sakit na ibinilin ng isang lolang 'di na siya kayang alagaan, na-rescue na

Asong may sakit na ibinilin ng isang lolang 'di na siya kayang alagaan, na-rescue na

- Umantig sa puso ng marami ang post tungkol sa asong inihabilin ng kanyang may-ari na isang lola

- Na-stroke na ang lola na nagpakilalang si Ignacia kaya hindi na rin niya umano kayang alagaan ang aso

- Mayroon ding sakit ang aso kaya isa sa mga bilin ni Lola Ignacia ay ang pagpapatuloy sana ng gamutan ng alaga

- Samantala, nasa pangangalaga na ng Animal Kingdom Foundation ang aso na bukas umano sa pagbisita ni Lola Ignacia kung nais niyang makita muli ang alaga

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naantig ang puso ng marami nang makita ang post ni Heidi Marquez patungkol sa aso na inihabilin ng kanyang may-ari na hindi na umano siya kayang alagaan.

Asong may sakit na ibinilin ng isang lolang 'di na siya kayang alagaan, na-rescue na
Si Tonton at ang liham ni Lola Ignacia (Heidi Marquez/ Animal Kingdom Foundation)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na isa umanong liham ang makikitang katabi ng aso sa kahon na pinaglagyan nito.

Read also

Cristy Fermin kay Liza Soberano: "Ano ba talaga ang gusto ng batang ito?"

Sa sulat, ipinaliwanag ng may-ari na nagpakilalang si Lola Ignacia na hindi na niya umano kayang alagaan ang aso dahil siya ay na-stroke.

"Ako po si Lola Ignacia ng Tondo Manila. Humihingi po ng pasensiya dahil ako ay may karamdaman at di ko na maalagaan ang aso ko na di makatayo.Na-Stroke po ako at ito na lamang ang naisip kong paraan para i-surrender siya .Sana ay mamahalin at aalagaan mabuti ang aso ko. Nag-utos ako ng tricycle driver kung saan siya pwedeng ibigay, pa-continue ang kanyang gamot," ang bahagi ng liham ni Lola Ignacia.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Malugod naman itong sinagot ng Animal Kingdom Foundation na hindi nagdalawang isip na tuparin ang hiling ni Lola Ignacia para sa kanyang alaga.

"Gusto naming ipaalam sayo na nasa amin ang iyong mahal na aso. Nakalulungkot na kailangan po ninyong gawin ito pero naiintindihan po namin ang iyong sitwasyon. Susundin po namin ang bilin ninyo na mahalin at alagaan siya nang mabuti at ituloy ang gamutan niya. Ipapa-check po namin siya sa doctor upang malaman ang kanyang sakit at ang dahilan ng kanyang pagkaparalisa"

Read also

Ogie bilang dating manager ni Liza: "'Wag na po nating ukilkilin ang salitang utang na loob"

Bukas din umano ang naturang foundation sa muling pagkikita nina Lola Ignacia at ng asong pinangalanan muna nilang si Tonton gayung hindi nabanggit ng dating may-ari ang pangalang naibigay niya rito.

Narito ang kabuuan ng post:

Kamakailan, umantig din sa puso ng netizens ang post naman ng anak na si Jessiel Ivy Gedoria tungkol sa kahanga-hanga niyang ina na si Livy Gedoria.

Ibinahagi ni Jessiel ang naisipang gawin ng ina na isang sari-sari store vendor na mamahagi ng 'free snacks' sa mga mag-aaral na makakukuha ng perfect score sa test. Aniya, bago pa man gawin ito ng ina, kilala na ito bilang si Nanay Livy sa kanyang kanilang lugar dahil parang tunay na mga anak kung ituring niya ang mga suking estudyante o kahit na iyong mga walang pambili na minsa'y binibigyan pa nito ng pambaon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica