Ama, pumanaw ilang araw matapos mabigay ang huling surpresa sa anak

Ama, pumanaw ilang araw matapos mabigay ang huling surpresa sa anak

- Umantig sa puso ng marami ang kwento ng amang nakilala bilang si Kuya Pidot

- Nagawa pa kasi nitong masurpresa ang kanyang anak para sa kaarawan nito, ilang araw bago siya pumanaw

- Naibahagi ng event organizer ang naturang kwento upang magsilbing aral at inspirasyon sa marami

- Maging siya ay hindi makapaniwala na ganoon lamang kadali ang buhay kaya't dapat lamang pahalagahan ang bawat segundo nito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagpaluha at umantig sa puso ng maraming netizens ang naibahagi ng event managing directot ng Ohrganza na si Ymer Gallejos tungkol sa isang amang naging customer nila.

Ama, pumanaw ilang araw matapos mabigay ang huling supresa sa anak
Kuya Pidot at anak na si Trexia (Ymer Gallejos)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na ang naturang customer ay kilala bilang si Kuya Pidot na nagpagawa ng car truck surprise para sa anak na si Trexia. Magdiriwang daw kasi ito ng ika-17 na kaarawan kaya naman naisipan ni Kuya Pidot at kanyang asawa na si Daisy na bigyan ng kakaibang regalo ang anak.

Read also

Ria Atayde sa mga body-shamers: "Go ahead. Call me fat. Anong magagawa niyo?"

Naikwento ni Ymer na hindi sigurado si Kiya Pidot kung makararating siya sa aktwal na pagsurpresa gayung mayroon daw siyang trabaho. Kaya naman laking gulat nila nang makita ang ama na dumating upang masaksihan ang reaction ng pinakamamahal na anak sa inihanda nilang supresa.

"On April 14 (day of delivery), he called me, informing me that he can't be there because he's at work. But to my surprise, when we delivered it, he's actually there. Far excited than his daughter"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"When we executed the surprise, his daughter was so happy and even cried. And when I looked at Kuya Pidot, I saw him teary-eyed. There, I saw so much love for her daughter"
"Though he has work that day, he cant afford to leave and he just stayed"

Read also

Rose Vega, pinakita ang kanyang first trip papuntang Australia

Subalit ilang araw lamang matapos ang masaya at hindi malilimutang eksenang ito, nabalitaan na lamang ni Ymer na pumanaw na umano si Kuya Pidot. Iyon na pala ang huling regalo na naibigay niya sa anak bago siya tuluyang mamaalam sa mundo.

"This afternoon at around 11:00 AM, I received a bad news that Kuya Pidot passed away. Presumably due to heart attack in the midst of his work in the construction. I was saddened. Quickly, I remember our car trunk surpise which I plan to post the picture today, this afternoon"

Narito ang kabuuan ng post:

Kamakailan, umantig din sa puso ng netizens ang post naman ng anak na si Jessiel Ivy Gedoria tungkol sa kahanga-hanga niyang ina na si Livy Gedoria.

Ibinahagi ni Jessiel ang naisipang gawin ng ina na isang sari-sari store vendor na mamahagi ng 'free snacks' sa mga mag-aaral na makakukuha ng perfect score sa test. Aniya, bago pa man dawin ito ng ina, kilala na ito bilang si Nanay Livy sa kanyang kanilang lugar dahil parang tunay na mga anak kung ituring niya ang mga suking estudyante o kahit na iyong mga walang pambili na minsa'y binibigyan pa nito ng pambaon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel