Ria Atayde sa mga body-shamers: "Go ahead. Call me fat. Anong magagawa niyo?"

Ria Atayde sa mga body-shamers: "Go ahead. Call me fat. Anong magagawa niyo?"

- Naibahagi ni Ria Atayde ang kanyang saloobin kaugnay sa mga body shamers

- Sa isang video na binahagi sa Star Magic YouTube channel ay nakasama niya ang kapatid niyang si Gela Atayde

- Nagbigay sila ng kanilang opinyon at reaksiyon sa mga toxic comments kabilang nga ang body-shaming comments

- Ani Ria, hindi madali sa kanya ang magbawas ng timbang dahil sa kanyang kondisyong hypothyroidism

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naibahagi ni Ria Atayde na hindi madali sa kanya na magbawas ng timbang kagaya ng ibang tao dahil sa kanyang hypothyroidism. Sa isang video na binahagi sa Star Magic YouTube channel ay nakasama niya ang kapatid niyang si Gela Atayde.

Ria Atayde sa mga body-shamers: "Go ahead. Call me fat. Anong magagawa niyo?"
Ria Atayde sa mga body-shamers: "Go ahead. Call me fat. Anong magagawa niyo?" (@ria)
Source: Instagram

Naibahagi din ni Ria na wala na daw siyang gallbladder na dahilan kung bakit hindi madali para sa kanyang katawan ang magbawas ng timbang.

Read also

Rose Vega, pinakita ang kanyang first trip papuntang Australia

“I have hypothyroidism. I have no gallbladder. Losing weight is a lot harder for me than it is for other people. So, go ahead. Call me fat. Anong magagawa niyo? I’m sick with stuff I can’t fix. So, sino ka diyan,”

Aniya, kailangan ay matutong tanggapin ang sarili at huwag magpapaapekto sa sasabihin ng ibang tao.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

“It takes a level of embracing yourself and understanding yourself. Kasi kung magpapa-apekto ka, then your whole life will just be affected by the people around you even if at the end of the day, it’s all about you with yourself,”

Si Ria Atayde ay isang Pinay actress. Anak siya ng batikang aktres na si Sylvia Sanchez at ni Arturo Atayde. Naging bahagi siya ng maraming teleserye sa ABS-CBN kagaya ng My Dear Heart at Halik.

Read also

Maricel Soriano, unang celebrity guest sa YouTube channel ni Nadine Lustre

Kamakailan ay nag-post si Zanjoe Marudo para sa kanyang girlfriend sa kaarawan nito. Matatandaang nagdiwang ng kanyang ika-31 taon si Ria nitong nakaraang March 23, 2023. Kalakip ng binahaging mensahe ni Zanjoe ay ilang mga sweet photos nilang magkasama.

BInahagi din ni Ria ang ilang pictures na kuha sa kanyang birthday celebration kalakip ng kanyang pasasalamat sa kanyang mga mahal sa buhay. Naibahagi niya ang masayang kaganapan sa kanyang birthday celebration. Kabilang sa kanyang naipost at ang picture nila ng boyfriend niyang si Zanjoe.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel