Maricel Soriano, unang celebrity guest sa YouTube channel ni Nadine Lustre

Maricel Soriano, unang celebrity guest sa YouTube channel ni Nadine Lustre

- Si Maricel Soriano ang kauna-unahang celebrity guest ni Nadine Lustre sa kanyang YouTube channel

- Matatandaang nauna nang nag-guest si Nadine sa vlog ni Maricel kamakailan

-Sa bagong vlog episode ni Nadine, gumawa ng flower arrangement sina Nadine at Maricel habang nag-uusap

- Marami ang natuwa na makita ang dalawang award-winning actress na parehas na ring pumasok sa pag-va-vlog

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nakasama ni Nadine Lustre ang Diamond Star na si Maricel Soriano sa kanyang YouTube vlog. Si Maricel ang kauna-unahang celebrity guest ni Nadine.

Maricel Soriano, unang celebrity guest sa YouTube channel ni Nadine Lustre
Maricel Soriano, unang celebrity guest sa YouTube channel ni Nadine Lustre (@nadine)
Source: Instagram

Sa bagong vlog episode ni Nadine, gumawa ng flower arrangement sina Nadine at Maricel habang nag-uusap.

Kabilang sa naitanong ni Nadine kay Maricel ay kung sino siya sa likod ng camera. Ayon kay Maricel, hindi siya nagpapakita ng ibang katauhan at sinisikap niyang maging totoo para consistent umano siya sa harap o sa likod ng camera.

Read also

Karylle, pinaalalahanan si Vice Ganda na huwag ma-late sa Lunes

Inamin naman ni Nadine na noong bago siya sa showbiz ay people pleaser siya. Gayunpaman, sa kanyang mga pahayag sa kasalukuyan ay lagi itong nagpapakatotoo kahit ano pa man ang sabihin sa kanya ng ibang tao.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Panuorin ang kabuuan ng video dito:

Narito ang ilan sa mga komento ng viewers:

I love that her first vlog collab guest is the diamond star itself, love the concept of doing flower arrangements while having small talks. Everything is so fresh and entertaining.
Pwede palang maging talk show host din si Nadine mahahasa lng sya pwede sya ksi insightful din sya at pwede khit random issues pag usapan pwede.
Marya is known for her authenticity. Siya ung tipo ng artista na hindi takot ipakita ang totoong siya. What you see is what you get. May pagka Maricel si Nadine, actually. Kaya alam ko na magugustuhan siya ni Marya kahit ngayon lang sila nagkasama. Sana Nadine will keep in touch with her, kasi ituturing siya talagang anak niyan.

Read also

Maricel Soriano, napa-wow sa pag-raid sa giant ref ni Janice de Belen

Si Nadine Lustre ay isang aktres, product endorser at recording artist. Siya ang kapareha ni James Reid sa ilang pelikula at teleserye. Kilala ang kanilang tambalan sa bansag na JaDine. Gayunpaman, inamin ng magkasintahan na hiwalay na sila noong January, 2020.

Para kay Nadine, nakakalokang tsismis daw tungkol sa kanya ay palagi na lang siyang buntis. Aniya, nagtataka siya na taon-taon na lang siyang nababalitang buntis gayong hindi naman daw iyon totoo. Dagdag pa niya hindi niya itatago sa publiko kung sakali mang mangyari na magbuntis siya. Pabiro din niyang sinabi na hindi siya buntis taon-taon kagaya ng palaging nagiging haka-haka.

Nagkasama sina Nadine at Maricel sa pagpunta sa isang hooror house attraction. Hindi mapigilang mapatili at mapamura ng dalawa sa mga nagpapakita sa kanila sa loob ng horror house. Napagapang pa si Nadine sa isang bahagi ng video dahil sa kanyang sobrang pagkagulat. Matapos ang kanilang horror house experience ay pawis na pawis si Nadine ngunit aniya ay nag-enjoy naman siya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel