Maricel Soriano, napa-wow sa pag-raid sa giant ref ni Janice de Belen

Maricel Soriano, napa-wow sa pag-raid sa giant ref ni Janice de Belen

- Namangha si Maricel Soriano sa ref raid niya sa malaking ref ni Janice de Belen

- Hindi niya napigilang mapa-wow nang makita ang loob ng ref ni Janice dahil aniya ay punong-puno ito

- Pinakita din ni Janice ang pantry niya na nasa kusina lang din niya banda

- Hindi kagaya sa ibang kitchen ng mga artista, nakalabas ang lahat ng mga gamit ni Janice dahil aniya ay para magamit niya ang mga ito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Napa-wow si Maricel Soriano nang makita ang loob ng aniya'y giant ref ni Janice de Belen. Sa kanyang bagong vlog ay binahagi ni Maricel ang giant ref raid niya sa bahay ni Janice.

Maricel Soriano, napa-wow sa pag-raid sa giant ref ni Janice de Belen
Maricel Soriano, napa-wow sa pag-raid sa giant ref ni Janice de Belen (@maricel.soriano.official)
Source: Instagram

Nilinaw ni Janice na kaya hindi nakatago ang mga gamit sa kanyang kusina ay dahil baka hindi niya magagamit ang mga ito kapag nakatago.

Read also

Ryan Bang, naiyak nang ibahagi kay Vice Ganda na may girlfriend na siya

Ayon naman kay Maricel, punong-puno ang ref ni Janice at mukhang maluluto nito kahit anong maisip niya.

Bukod sa ref ay pinakita din ni Janice ang kanyang pantry. Napansin ni Maricel na halos lahat umano ay may label.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Pinagluto naman ni Janice si Maricel ng hipon na ayon sa kanya ay paborito ng aktor na si Enchong Dee.

Si Maricel Soriano ay isa sa kinikilalang batikang aktres sa bansa. Kilala siya sa bansag na "The Diamond Star". Ilan sa kanyang nagawang serye at pelikula ay Mother Nanny (2006), Saan darating ang umaga? (1983) at Dahas (1995). Ikinasal siya sa aktor na si Edu Manzano noong 1989.

Sa kanyang naunang vlog, nakasama ni Maricel ang Quizon brothers na sina Eric, Epi at Vandolph. Naging malapit sila na parang tunay na magkakapatid dahil sa pagiging malapit ni Maricel sa daddy nila na si Dolphy Quizon. Napagkwentuhan nila ang kanilang mga naging memories kasama sa kanilang pinakamamahal na daddy. Habang nagkukwentuhan ay kumakain din silang apat ng mga seafoods.

Read also

Tyronia Fowler, sinabing sana ay si Vince na lang ang kanyang ama

Samantala ayon kay Judy Ann Santos, napapadasal na lang siya na matapos na ang eksena kapag kaeksena niya noon si Maricel. Maging si Meryll Soriano na pamangkin ni Maricel ay aminadong malakas talaga manampal ang kanyang tita. Kwento pa ni Juday, napunta umano sa likod ang kanyang headband at tumabingi ang kanyang ribbon nang minsang makaeksena niya si Maricel at sinampal siya nito. Gayunpaman, nakakatulong umano ito sa mas maayos na pagpapakita ng emosyon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel