Rendon Labador: "Pilitin mong umangat sa buhay hanggang sa ma-afford mo"

Rendon Labador: "Pilitin mong umangat sa buhay hanggang sa ma-afford mo"

- Rumesbak si Rendon Labador sa mga reaksiyon sa kanyang P100 peso rice na mabibili sa kanyang resto

- Aniya, ito ang tinatawag na motivational rice dahil maari daw itong gawing motivation ng mga taong namamahalan sa presyo nito

- Aniya, dapat ay magsikap ang mga taong ito para makayanan nilang bilhin ang mga bagay na sa tingin nila ay mahal

- Nilinaw niya rin na hindi iyon deskriminasyon kundi aniya ay wake-up call para itaas ang standard sa buhay

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Rumesbak si Rendon labador sa mga nagrereklamong mahal ang kanin na binibenta sa kanyang resto. Aniya, "motivational rice daw ito dahil dapat ay magsibi itong motivation para magsikap ang mga taong namamahalan dito.

Rendon Labador: "Pilitin mong umangat sa buhay hanggang sa ma afford mo"
Rendon Labador: "Pilitin mong umangat sa buhay hanggang sa ma afford mo" (Rendon Labador)
Source: Facebook

Sinabi din ni Rendon na hindi ito diskriminasyon kundi wake-up call para taasan ang standards sa buhay. Matapos nga magbukas muli ang kanyang resto bar ay naging usap-usapan ang presyo ng pagkain sa naturang resto.

Read also

Xian Gaza, may paalala ukol sa mga magulang: "I forgot about my Daddy"

“THE MOTIVATIONAL RICE”
Mindset ng karamihang pinoy, kung hindi mo afford gagawa ka nalang ng mga excuses sa buhay at isisisi sa ibang tao ang failure mo.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Gusto ninyo isinusubo nalang lahat sa inyo ang tagumpay. LUMABAN KA at pilitin mong umangat sa buhay para yung MAHAL sayo ngayon ay maging MURA balang araw. Again, this is not to discriminate but a wake up call para itaas mo ang standards mo! Gamitin mong MOTIVATION yan!!! #StayMotivated

Si Rendon Labador ay nakilala bilang isang motivational speaker. Matatandaang unang naging usap-usapan si Rendon sa social media matapos mag-viral ang kanyang komento sa isang netizen.

Sa isang video ay nagsalita si Coco Martin kaugnay sa pangbabatikos sa kanya kaugnay sa umano'y reklamo ng mga vendor sa Quiapo. Binahagi din ni Rendon sa kanyang Facebook post ang video kung saan sinabi ni Coco na hinahayaan lamang daw niya ang mga ito at iniintindi niya. Kalakip ng video na ito ay ang open letter ni Rendon para kay Coco na nauna na niyang nabatikos sa nauna niyang mga post. Sinabi nito na kung gusto ni Coco na kuhanin siya para maging bahagi ng palabas niya ay kailangan niyang mag-book ng appointment para makapag-usap sila.

Read also

Lahat ng commercials ni Coco Martin, lumipat na sa TVJ - Cristy Fermin

Samantala, ayon kay Rendon, ayaw niya talaga mag-artista dahil siya ay isang negosyante. Dagdag pa niya, ayaw niya daw ng scripted at gusto lamang niyang ipaglaban ang tama at bigyan ng boses ang mahihina. Gayunpaman, aniya kung ano man ang laman ng naturang envelop at matuloy kung ano man ang nasa loob ay siya daw ang tatapos sa era ni Coco Martin. Matatandaang ilang beses nang nabatikos ni Rendon si Coco kaugnay sa umano'y reklamo ng mga vendor sa Quiapo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate