Xian Gaza, may paalala ukol sa mga magulang: "I forgot about my Daddy"

Xian Gaza, may paalala ukol sa mga magulang: "I forgot about my Daddy"

- May paalala umano si Xian Gaza patungkol oras na ibinibigay ng mga anak para sa mga magulang

- Aminado siya na isa umano ito sa mga bagay na kanyang pinagsisihan lalo na sa kanyang ama

- Tinamaan umano ito ng virus dahilan para pumanaw ito noong 2020

- Payo ni Xian na huwag na umano siyang tularan at siguruhing magkaroon ng oras para sa mga magulang habang nabubuhay pa ang mga ito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Viral ang post ni Xian Gaza tungkol sa paglalaan ng oras ng mga anak sa mga magulang.

Xian Gaza, may paalala ukol sa oras para sa mga magulang: "Huwag na kayong gumaya sa akin"
Xian Gaza (Christian Albert Gaza)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na maging si Xian mismo ay nagsisisi na hindi niya ito nagawa sa namayapang ama.

"The biggest regret of my life is not spending time with my father sa mga huling taon ng kanyang buhay. The virus killed him last 2020. I was so busy sa paggawa ng pera that I forgot about my Daddy," Kwento ni Xian.

Read also

Solenn Heussaff, nawindang nang tumutol ang anak na may magpa-picture sa kanya

Aniya, abala siya noon sa pagpapalago ng negosyo upang magkarroon ng marami salapi subalit hindi niya umano namamalayan na wala na siyang oras na naibibigay sa mga magulang.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"I just want to remind all of you na walang kasiguraduhan ang bukas. Walang makakapagsabi kung kailan sila mawawala," giit pa niya.

"We are so busy growing up, we often forget that they are growing old. No matter how much money you earn and how much wealth you acquire, hinding-hindi nito maibabalik ang panahon"

"Nasa huli lagi ang pagsisisi. Huwag na kayong gumaya sa akin," ayon pa kay Xian.

Narito ang kabuuan ng kanyang post:

Si Xian Gaza o Christian Albert Gaza ay unang nakilala sa social media matapos ang kanyang kontrobersiyal na billboard proposal sa aktres na si Erich Gonzales para mag-coffee. Nakilala din siya sa bansag na "pambansang scammer" matapos siyang akusahan ng pang-iiscam. Gayunpaman, kapansin-pansing nakabangon na si Xian sa hindi magagandang sinapit na ito sa kanyang buhay. Katunayan, inspirasyon na ang hatid niya sa tagumpay na tinatamasa ngayon.

Read also

Andrew Schimmer, ibinahagi ang mga larawan ng anak na si Andrea

Matatandaang, muling gumawa ng ingay sa publiko si Xian sa umano'y naging komento niya sa kababaihan na agad umanong inalmahan ng isa ring influencer na si Donnalyn Bartolome. Minsan na rin siyang nakita sa vlog ni Zeinab Harake, kung saan nakasama siya nitong mag-shopping sa Thailand.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel