Presyo ng kanin sa resto ni Rendon Labador, usap-usapan online

Presyo ng kanin sa resto ni Rendon Labador, usap-usapan online

- Nagbukas si Rendon Labador nitong Biyernes hanggang Sabado sa pangalawang pagkakataon ng kanyang resto bar

- Kasunod nito ay ang pagkalat ng videos at picture na nagpapakita ng presyo ng mga pagkain sa naturang resto

- Isa sa talaga namang lumikha ng ingay sa social media ay ang kanin na nagkakahalaga ng isang daang piso

- Matatandaang isinapubliko niya kamakailan ang pansamantalang pagsasara ng resto bar matapos aniya ay walang bumili ng ticket

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Usap-usapang muli si Rendon Labador matapos ang kanyang muling pagbubukas ng resto bar nitong Biyernes hanggang Sabado. Ito ay matapos umani ng mga komento at reaksiyon ang isang daang pisong presyo ng kanin sa kanyang resto.

Presyo ng kanin sa resto ni Rendon Labador, usap-usapan online
Presyo ng kanin sa resto ni Rendon Labador, usap-usapan online (Rendon Labador)
Source: Facebook

Bukod sa mga kumalat na mga pictures online, mayroon ding mga video na nagpapatunay na isang daan nga ang presyo ng kanin sa naturang resto bar.

Read also

AJ Raval, ibinida ang bagong video matapos ang pagpapatanggal ng implants

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Matatandaang napagpasyahan ni Rendon na isara pansamantala ang naturang bar matapos ang unang opening kung saan aniya ay walang bumili ng ticket. Sinabi niyang uulitin na lamang niya ang opening day.

Si Rendon Labador ay nakilala bilang isang motivational speaker. Matatandaang unang naging usap-usapan si Rendon sa social media matapos mag-viral ang kanyang komento sa isang netizen.

Sa isang video ay nagsalita si Coco Martin kaugnay sa pangbabatikos sa kanya kaugnay sa umano'y reklamo ng mga vendor sa Quiapo. Binahagi din ni Rendon sa kanyang Facebook post ang video kung saan sinabi ni Coco na hinahayaan lamang daw niya ang mga ito at iniintindi niya. Kalakip ng video na ito ay ang open letter ni Rendon para kay Coco na nauna na niyang nabatikos sa nauna niyang mga post. Sinabi nito na kung gusto ni Coco na kuhanin siya para maging bahagi ng palabas niya ay kailangan niyang mag-book ng appointment para makapag-usap sila.

Read also

Raquel Pempengco, binahagi ang video ng pagkanta nina Morisette at Charice

Samantala, ayon kay Rendon, ayaw niya talaga mag-artista dahil siya ay isang negosyante. Dagdag pa niya, ayaw niya daw ng scripted at gusto lamang niyang ipaglaban ang tama at bigyan ng boses ang mahihina. Gayunpaman, aniya kung ano man ang laman ng naturang envelop at matuloy kung ano man ang nasa loob ay siya daw ang tatapos sa era ni Coco Martin. Matatandaang ilang beses nang nabatikos ni Rendon si Coco kaugnay sa umano'y reklamo ng mga vendor sa Quiapo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate