Miss Grace sa pagiging supportive ni PK sa kanya: "I give credit to him"

Miss Grace sa pagiging supportive ni PK sa kanya: "I give credit to him"

- Naibahagi ni Miss Grace aka Marites ang kwento ng kanyang buhay simula nang manirahan sila sa Pilipinas

- Sa panayam sa kanya sa YouTube channel na Chooze One, naibahagi niya na hindi naging madali ang kanyang pinagdaanan sa pag-abot ng kanyang pangarap

- Gayunpaman, dahil mataas ang kanyang pangarap ay hindi siya tumigil na mag-aral kahit mayroon na siyang pamilya

- Aminado siyang mahirap ngunit naging supportive ang ex-husband niyang si Pambansang Kolokoy lalo na sa pag-aalaga ng kanilang mga anak

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nabanggit ni Miss Grace aka Marites na hindi naging madali ang pinagdaanan habang inaabot niya ang kanyang mga pangarap. Sa panayam sa kanya na naibahagi sa Chooze One YouTube channel, naibahagi niyang naging supportive ang ex-husband niyang si Pambansang Kolokoy lalo na sa pag-aalaga ng kanilang mga anak.

Read also

Ivana Alawi, tagumpay sa makulit na 'mabaho prank' sa kanyang pamilya

Miss Grace sa pagiging supportive ni PK sa kanya: "I give credit to him"
Miss Grace sa pagiging supportive ni PK sa kanya: "I give credit to him" (@withmissgrace)
Source: Instagram

Aniya, nahirapan siya ngunit tinulungan siya ng dating asawa tuwing may kakailanganin siyang gawin dahil nag-aaral siya. Kamakailan nga ay naibahagi niya na siya ay legally single na matapos ma-finalize ang kanilang divorce.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Grace na unang nakilala biang si 'Marites' ang dating asawa ng content creator na si Joel Mondina o mas kilala bilang Pambansang Kolokoy. Sila ay nakilala sa mga nakakaaliw na mga online videos nila. Isinilang siya sa La Union at lumaki sa Baguio City kasama ang kanyang lolo at lola. Taong 1994 nang lumipat siya sa US para makasama ang kanyang mga magulang na OFW.

Matatandaang inamin ni Joel Mondina sa pamamagitan ng isang video ang tungkol sa paghihiwalay nila ng kanyang misis. Aniya, ayaw pa sana niya magsalita dahil may prosesso silang ginagawa ngunit marami umano ang nagtatanong kung bakit hindi na kasama si Marites sa mga video na binahagi ni Joel. Inamin niya din na mayroon siyang bagong karelasyon sa kasalukuyan at masaya umano sila. Nilinaw din niyang maayos ang kalagayan ng kanilang mga anak at hindi umano siya pabayang ama.

Samantala, matapos lamang ang ilang araw na rebelasyon ng kanilang hiwalayan, nagkasama muli sa vlog sina Pambansang Kolokoy at Marites. Marami raw umano sa kanilang mga subscribers ang nakaka-miss kay Marites kaya naman pinagbigyan nila itong makita muli. Nagbigay mensahe rin si Pambansang Kolokoy sa mga balak na mag-unsubscribe sa kanya dahil sa nangyari.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel