Ivana Alawi, tagumpay sa makulit na 'mabaho prank' sa kanyang pamilya

Ivana Alawi, tagumpay sa makulit na 'mabaho prank' sa kanyang pamilya

- Isa na namang makulit na prank ang naisipang gawin ni Ivana Alawi sa kanyang pamilya

- Tatlong stinky spray ang sinubukan niyang gamitin para sa kanyang prank

- Una niyang nabiktima si Mama Alawi na inakalang dumi ng aso ang kanyang naamoy

- Maging ang kanyang mga kapatid ay hindi nakatakas sa 'mabaho si Ivana' prank

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Muli na namang na-prank ni Ivana Alawi ang kanyang pamilya nang maisipan niyang bumili at subukan ang mga nauuso ngayong stinky spray.

Ivana Alawi, tagumpay sa makulit na 'mabaho prank' sa kanyang pamilya
Ivana Alawi (@ivanaalawi)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na bago niya isinagawa ang prank, sinubukan muna niya ang tatlong klase ng spray na inilarawan niya na sobrang baho.

Una niyang nabiktima si Mama Alawi na kunwaring may pa-Q and A siya.

Hanggang sa halos hindi na makasagot ang ina sa bahong naaamoy niya na unang inakala niyang dumi ng kanilang alagang aso.

Read also

Miss Grace sa pagiging supportive ni PK sa kanya: "I give credit to him"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nang malaman ni Mama Alawi na na-prank siya ni Ivana, tinadtad niya ng spray ang anak nang makuha ito.

Sumunod naman si Hash na ipinag-drive si Ivana sa kunwaring lakad nito. Masasabing matindi ang bilis ng pagkalat ng amoy dahil nasa loob sila ng sasakyan.

Hindi nagtagal, tinanong na agad ni Hash kung may naaamoy si Ivana gayung sila lang dalawa ang nasa sasakyan. Hindi na rin nito napigilang buksan ang bintana at 'di na kinaya ang amoy.

Sumunod naman si Mona na halos wala nang ibang nasabi kundi 'hangin' gayung amoy na amoy na niya ang stinky spray na ginamit ng kapatid.

At ang huli ay ang kanyang Ate Amira at anak nitong si Gab. Maging ang bata ay hindi nakapagsinungaling at sinabing hindi mabango ang kunwaring product testing na kanilang ginawa.

Read also

Miss Grace, isinapubliko ang tungkol sa kanyang pagiging 'legally single'

Narito ang kabuuan ng kanilang makulit na vlog:

Si Ivana Alawi ay unang nakilala nang sumali siya sa reality show na "StarStruck" sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit 16.2 million ang kanyang mga YouTube subscribers.

Marami ang naaaliw sa vlog ni Ivana sa kanyang channel dahil sa kulitan nila ng kanyang pamilya. Makikita rin kasi dito ang kabutihan ng puso ni Ivana na hindi lang siya sa kanyang pamilya matulungin kundi lalo na sa mga kababayan nating labis na nangangailangan.

Lalong-lalo na noong kasagsagan ng pandemya, isa si Ivana na bagama't nag-iingat na hindi magkaroon ng COVID-19, gumagawa pa rin siya ng paraan para makatulong sa mga kababayang labis na naaapektuhan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel