Miss Grace, isinapubliko ang tungkol sa kanyang pagiging 'legally single'

Miss Grace, isinapubliko ang tungkol sa kanyang pagiging 'legally single'

- Ibinahagi ni Miss Grace aka Marites ang tungkol sa kanyang pagiging single matapos ma-finalize ang kanilang divorce

- Sa kanyang IG story ay sinabi ni Grace na siya ay legally single simula ngayong araw

- Nagbahagi pa ito ng mensahe tungkol sa pakikipaghiwalay kalakip ng kanyang pagsasapubliko tungkol sa pagtatapos ng pagiging mag-asawa nila ni PK

- Sa kanyang mensahe ay pinahiwatig niyang walang masama sa paghihiwalay at ang hindi maganda ay manatili sa isang relasyon kahit hindi na masaya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ayon kay Miss Grace aka Marites, siya ay legally single na simula ngayong araw. Sa kanyang binahagi sa kanyang Instagram Story ay nagbahagi ito ng mensahe tungkol sa pakikipaghiwalay.

Miss Grace, isinapubliko ang tungkol sa kanyang pagiging 'legally single'
Miss Grace, isinapubliko ang tungkol sa kanyang pagiging 'legally single' (@withmissgrace)
Source: Instagram

Aniya, walang masama na makipaghiwalay at umalis sa isang relasyon. Ang hindi maganda ay ang manatili sa relasyon na hindi ka na masaya. Matatandaang nauna na niyang nasabi na hiling niya nitong nakaraang pasko na ma-finalize na ang kanilang divorce ng dating asawa.

Read also

Lars Pacheco sa isyu tungkol sa pagkapanalo niya: "Pinaghirapan ko po tong korona ko"

Miss Grace, isinapubliko ang tungkol sa kanyang pagiging 'legally single'
Miss Grace, isinapubliko ang tungkol sa kanyang pagiging 'legally single' (@withmissgrace)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Grace na unang nakilala biang si 'Marites' ang dating asawa ng content creator na si Joel Mondina o mas kilala bilang Pambansang Kolokoy. Sila ay nakilala sa mga nakakaaliw na mga online videos nila. Isinilang siya sa La Union at lumaki sa Baguio City kasama ang kanyang lolo at lola. Taong 1994 nang lumipat siya sa US para makasama ang kanyang mga magulang na OFW.

Matatandaang inamin ni Joel Mondina sa pamamagitan ng isang video ang tungkol sa paghihiwalay nila ng kanyang misis. Aniya, ayaw pa sana niya magsalita dahil may prosesso silang ginagawa ngunit marami umano ang nagtatanong kung bakit hindi na kasama si Marites sa mga video na binahagi ni Joel. Inamin niya din na mayroon siyang bagong karelasyon sa kasalukuyan at masaya umano sila. Nilinaw din niyang maayos ang kalagayan ng kanilang mga anak at hindi umano siya pabayang ama.

Read also

Nadine Lustre, nagbahagi ng panibagong vlog kasama ang kanyang boyfriend

Samantala, matapos lamang ang ilang araw na rebelasyon ng kanilang hiwalayan, nagkasama muli sa vlog sina Pambansang Kolokoy at Marites. Marami raw umano sa kanilang mga subscribers ang nakaka-miss kay Marites kaya naman pinagbigyan nila itong makita muli. Nagbigay mensahe rin si Pambansang Kolokoy sa mga balak na mag-unsubscribe sa kanya dahil sa nangyari.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel