Ina ng 22-anyos na napaslang, nasaksihan ang pagpatay sa anak

Ina ng 22-anyos na napaslang, nasaksihan ang pagpatay sa anak

- Nagsalita na ang ama ng napaslang na 22 anyos sa Don Carlos, Bukidnon

- Ayon sa ama ni Kimberly Achas, mismong ang kanyang asawa ang naroon nang paslangin ang anak nila

- Sa pagsasalaysay ng ama ng biktima, pinalabas umano ng suspek ang ina ng biktima at ang kausap nito saka isinara ang bahay

- Sinubukan umano nilang sirain ang pinto para masaklolohan si Kimberly ngunit hindi nila mabuksan ang pinto

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ayon sa ama ng 22-anyos na si Kimberly Achas, mismong ang kanyang asawa ang nandoon nang paslangin ang kanilang anak. Sa panayam ng 90.3 Strong Radio Live kay Rodolfo Achas, ama ng biktima, isinalaysay niya ang nangyari.

Ina ng 22-anyos na napaslang, nasaksihan ang pagpatay sa anak
Ina ng 22-anyos na napaslang, nasaksihan ang pagpatay sa anak (Screenshot from 90.3 Strong Radio Live)
Source: Facebook

Base sa salaysay ng ama, naroroon umano ang ina ng biktima dahil dapat ay papasok pa sa paaralan ito. Habang kausap umano ng ina ang kumare niya, pinalabas daw sila ng suspek na si Elson Jamisola, 27 ang live-in partner ni Kimberly.

Read also

Toni Fowler, hindi pinagsisihan ang paglabas niya ng MPL music video

Agad daw nitong sinara ang pintuan at binugbog si Kimberly. Sinubukan daw nilang sirain ang pinto ngunit hindi sila nagtagumpay dahil mahirap daw buksan ang pinto.

Sumisigaw umano para humingi ng saklolo ang anak nila ngunit wala siyang magawa kundi manghingi na lang din ng tulong sa kapitbahay.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ayon pa sa salaysay ng ama, binabalak ng pamilya ng suspek na ipa-rehab daw siya ngunit dapat ay oobserbahan muna nila ng apat na araw. Hindi naman pabor ang suspek dahil aniya ay okay naman siya.

Desidido naman ang pamilya ng biktima na panagutin ang suspek sa karumal-dumal na pagpaslang nito sa kanyang live-in partner. Tinangka pa umanong tumakas nito ngunit nahuli din siya ng mga otoridad.

Ayon sa ulat ay nagtamo ng 16 na saksak sa leeg ang biktima na kanyang ikinasawi kahit pa naisugod siya sa ospital. Kumakalat naman sa kasalukuyan ang CCTV footage ng pananakit ni Elson kay Kimberly na humantong sa pagpaslang niya sa ina ng kanyang anak.

Read also

Jason Hernandez: "You don't need a lot of things pala para maging masaya"

Matatandaang naging viral din ang kaso ng pagpatay sa magkapatid na Maguad sa M'lang sa Cotabato.

Matatandaang isinapubliko ng otoridad ang tungkol sa pagkaka-solve ng Maguad siblings murder case. Ayon kay Major Realan Mamon, chief ng municipal police, umamin ang adopted na school girl ng pamilya na siya ang responsable pagkakapaslang sa dalawa. Ayon sa mga imbestigador, maaring sibling rivalry ang nagtulak sa salarin upang gawin ang krimen na talaga namang tinutukan ng publiko.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel