Miss Glenda, dumalo sa presscon kasama ang business partners niya sa Indonesia

Miss Glenda, dumalo sa presscon kasama ang business partners niya sa Indonesia

- Binahagi ni Glenda Dela Cruz ang ilang kaganapan sa kanyang pagpunta sa Indonesia para sa contract signing niya kasama ang kanyang mga business partners

- Pinasilip niya din ang bonggang setup para naman sa press conference nila ng kanyang mga business partners

- Suot niya ang pink na Filipiniana gown na gawa ng sikat na fashion designer na si Michael Leyva

- Marami ang bumati kay Miss Glenda dahil sa gitna ng mga kontrobersiyang kinasangkutan kamakailan ay tuloy-tuloy ang buhos ng biyaya sa kanya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pinasilip ni Glenda dela Cruz ang bonggang setup para sa press conference na ginanap sa Indonesia kasama ang kanyang mga business partners. Nagkaroon din sila ng contract signing doon.

Miss Glenda, dumalo sa presscon kasama ang business partners niya sa Indonesia
Miss Glenda, dumalo sa presscon kasama ang business partners niya sa Indonesia (@iammissglenda)
Source: Instagram

Sa press conference ay suot niya ang pink na Filipiniana gown na gawa ng sikat na fashion designer na si Michael Leyva. Pinasalamatan niya ang Panginoon sa kanyang biyaya. Hindi din niya kinaligtaang pasalamatan ang kanyang mga business partners.

Read also

Chiz Escudero, hindi naisip na sukuan si Heart Evangelista

Marami ang bumati kay Miss Glenda dahil sa gitna ng mga kontrobersiyang kinasangkutan kamakailan ay tuloy-tuloy ang buhos ng biyaya sa kanya:

I really like your professionalism even if how many times they tried to pull you down but you remain strong and looking brilliant as always!

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Shine like a star.brilliant like a diamond..congrats Po!!! Miss glenda.
Tama po. Focus lang sa goal. Wag ng hahaluan ng negatibo at toxic post para mas magaan at maaliwalas sa mata. Iwasan magpalamon sa mga toxic post..

Si Glenda Dela Cruz ay CEO ng skin care company na Brilliant Skin Essentials, Inc. Bukod sa pagiging CEO ay gumagawa din siya ng videos at YouTube content. Isa siya sa mga skin care product CEO na may maraming followers sa social media.

Read also

Dahlia Heussaff, kinaaliwan sa kanyang “I’m so tall naman” video

Matatandaang si Andrea Brillantes ang nakasama ng ni Miss Glenda sa kanyang binahaging video sa YouTube. Dito ay binalikan niya kung paano sila unang nagkakilala ni Andrea na siyang unang endorser ng kanyang mga produkto. Sa kabila ng mga negatibong komento ng mga bashers laban kay Andrea, naniniwala umano si Miss Glenda na hindi daw dapat kinakalimutan yung mga taong nagtiwala at nandyan nung walang-wala pa siya. Aniya, kahit noong nagsisimula pa lang ang kanyang negosyo ay hindi nag-atubili si Andrea na tanggapin ang alok na maging endorser ng kanyang produkto kahit sikat ang aktres dahil ito ay naganap noong sikat na sikat ang "Kadenang Ginto."

Si Jillian Ward naman ang napiling bagong mukha para sa bagong produkto ni Miss Glenda. Sa kanyang social media post ay masaya niyang binahagi ang picture ng packaging ng bagong produkto. Nagpasalamat naman ang dalaga kay Miss Glenda sa pamamagitan ng kanyang pag-post sa Instagram story. Naging endorser na rin si Jillian ng naturang produkto ngunit ngayon lamang pormal na naging "Face of #PerfectlyBrilliant" matapos mailagay ang kanyang picture.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate