Partner ng vlogger na si Khifer Brose, humingi ng suporta sa publiko
- Humiling ng dasal ang partner ni Khifer Brose sa gitna ng kinakaharap nitong kaso ng panggagahasa
- Aniya, naniniwala siyang lalabas din ang katotoohanan at mananaig pa rin ang kabutihan
- Hiling niya rin na sana ay huwag i-bash si Khifer at ipagdasal na lang na lumabas ang katotohanan
- Matatandaang inaresto si Khifer dahil sa kasong panggagahasang isinampa sa kanya ng dating karelasyon ng kanyang kaibigan
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Dasal para kay Khifer Brose ang hiling ng kanyang karelasyong si Sabrina Paula Velasco. Hiling niya na sana ay huwag daw i-bash si Khifer at ipagdasal na lang na lumabas ang katotohanan.
Magandang Gabi po sainyo ako po ay humihingi ng panalangin para malagpasan namin ang problema na aming kinakaharap hindi po natin kailangan mag talo talo sa mga bagay na wala namang katotohanan on process na po ang kaso nya antayin nalang natin ang desisyon ng korte lalabas din po ang katotohanan mananaig parin ang kabutihan kaya po pls. Iwasan natin ang pag bash kay Khifer hindi po kayo nakakatulong bagkos ipagdasal nalang po natin na manaig ang katotohanan. salamat po!
Vlog ni Donnalyn Bartolome kung saan sinabi niyang nagkaroon siya ng sportscar sa edad na 16, usap-usapan
Sa isang ulat ng Abante, inamin ni Khifer na may nangyari umano sa kanila ng dating karelasyon ng kanyang kaibigan. Gayunpaman, aniya ay parehas nilang ginusto ang nangyari. Umaasa siyang maaareglo nila ang kaso.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Si Khifer Brosse o Daniel Butas sa totoong buhay ay isang vlogger na mayroong 2.4 million followers sa kanyang Facebook page. Kasalukuyang nagdadalang-tao ang kanyang partner na si Sabrina Paula Velasco.
Matatandaang isa sa tinutukan na kaso ng panggagahasa ay ang sa aktor na si Vhong Navarro. Matatandaang nilipat si Vhong sa Taguig City Jail noong November 21, 2022. Matatandaang sa naunang pahayag ng abogado ni Vhong, alinsunod umano ang paglipat sa kanya sa inilabas na commitment order ng Taguig Regional Trial Court Branch 69 - Samantala, hinihintay pa rin ng kampo ni Vhong ang desisyon sa kanyang petisyon na isinampa upang payagan siyang makapagpiyansa.
Nakalaya si Vhong sa Taguig City Jail noong December 6, 2022 kasunod ng paglabas ng desisyong pinapayagan siyang makapagpiyansa. Naibahagi umano ng kanyang mga abogado na naiyak si Vhong nang makita ang desisyon ng hukom. Magpapahinga lang muna umano si Vhong sa mga susunod na mga araw ngunit balak umano nitong magbalik sa kanyang trabaho bilang TV host. Tatlong buwan din na natigil si Vhong sa paghost sa It's Showtime matapos niyang sumuko sa NBI kasunod ng paglabas ng warrant of arrest sa kanya.
Source: KAMI.com.gh