18-anyos na negosyante, kumikita na ng 6 hanggang 7 digits kada buwan
- Hinangaan ng marami ang pagiging madiskarte sa buhay ng 18-anyos na negosyanteng si Cleo Loque
- Nagsimula ang negosyo niyang tote bags at t-shirts noong siya at 15-anyos pa lamang
- Pinahiram siya ng kanyang magulang ng halagang Php20,000 na sa umpisa'y hindi niya agad napalago
- Subalit nang pumalo ang pandemya, naging oportunidad ito para mapansin ang kanyang produkto sa iba't ibang online platforms
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Inspirasyon ang hatid ng kwento ng batang negosyante na si Cleo Loque na sa edad na 18-anyos, daan-daang piso hanggang milyon pa ang kinikita.
Nalaman ng KAMI na siya ang nasa likod ng Hiraya Pilipina brand ng mga tote bags at t-shirts.
Kwento ni Cleo sa panayam sa kanya ng Philippine Star, 15-anyos nang pahiramin siya ng kapital ng kanyang mga magulang na nagkakahalaga ng Php20,000.
Aminado siyang hindi niya ito agad na napalago at 'natulog' lang umano ang nasabing halaga.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Subalit ng mawalan ng klase dala ng pandemya, ito ang naging oportunidad ni Cleo upang mas mapagtuunan ng pansin ang kanyang negosyo.
"Ang daming opportunities na dumating. Nagkaroon ng e-commerce platforms ng online. Social media marketing and tinutukan ko talaga siya at that time," ani Cleo.
"We went where the market is. Talagang nagpundar doon. Gumawa kami ng content. Nagpakita kami sa tao, and throughout the pandemic doon talaga siya lumago at lumaki 'yung negosyo," dagdag pa niya.
Sa ngayon, nasa 15 katao ang bumubuo sa kanyang team kasama na ang kanyang lolo na nanahi ng mga tote bags. Ayon sa kanyang lolo, inspirasyon niya ang apo na sa murang edad ay tila maganda na ang kinabukasang naghihintay.
Narito ang kabuuan ng pahayag ni Cleo na kapupulutan ng aral ng mga kabataang tulad niya:
Samantala, minsan ding nag-viral kamakailan ang kwento ng tagumpay ng cùm laude na si Ross Leo Forbes Mercurio ng Gumaca, Quezon. Matatandaang siya ang proud na anak na sa pagsisikap ng kanyang amang PWD na nangangalakal, siya ay nakapagtapos.
Gayundin ang delivery rider na isa pa lang working student noong 2020. Masaya niyang ibinalitang nagtapos na siya bilang isang magna cùm laude.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh