RR Enriquez sa umano'y isyu nina Matet at Nora Aunor; "Magtatampo talaga ako"

RR Enriquez sa umano'y isyu nina Matet at Nora Aunor; "Magtatampo talaga ako"

- Nagbigay pahayag si 'Sawsawera Queen' RR Enriquez sa umano'y naging isyu nina Matet De Leon at kanyang ina na si Nora Aunor

- Matatandaang naglabas ng saloobin si Matet sa socmed matapos malaman na parehong produkto ang negosyo ng kanyang ina

- Ani RR, maging siya ay magtatampo kung ang kapatid o kamag-anak niya lalo kung ang kanyang ina ang makakatulad niya ng produkto

- Gayunpaman, hindi pa rin daw dapat na malimutan ni Matet na nanay niya ang Superstar

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Hindi nakawala kay 'Sawsawera Queen' RR Enriquez ang naging issue ng mag-inang sina Matet De Leon at Nora Aunor kamakailan.

RR Enriquez sa umano'y isyu nina Matet at Nora Aunor; "Magtatampo talaga ako"
RR Enriquez (@rr.enriquez)
Source: Instagram

Matatandaang umalma si Matet nang malamang parehong-pareho ang produkto na negosyo ng kanyang ina sa kanyang produkto na mga gourmet tuyo.

Talagang gumawa ito ng ingay sa socmed lalo na nang masabi pa ni Matet na 'ramdam na ramdam' niya ang kanyang pagiging ampon sa nangyaring ito.

Read also

18-anyos na negosyante, kumikita na ng 6 hanggang 7 digits kada buwan

Samantala, naglabas din ng opinyon si RR sa nangyari bilang paalala na rin sa publiko sa kung paano titimbangin ang ganoong klaseng sitwasyon.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"For me ha, there's nothing wrong if parehas kayo ng business o binebenta na product ng kamag-anak mo, ng kaibigan mo, ng kung sinoman especially 'yung mga loved-ones mo, walang masama dun."

"Pero syempre like ako nauna na ako ng business and then yung kapatid ko nag-business din ng ganun. Magtatampo talaga ako, sasama talaga 'yung loob ko. Kasi hindi ko magets, bakit mo ko kakalabanin e pwede ka namang mag-resell sa'kin. Okay magigets ko na gusto mo ng sarili mong brand, pero bakit hindi ka nalang tumulong sa'kin maging reseller nang sa ganun mapalago natin tong business di mo na kailangan mamuhunan Kasi nga ako na ang mamuuhunan for you bilang kapatid kita o nanay naman kita," aniya.

Read also

Kakai Bautista, muntik nang mag-quit sa showbiz dahil sa naging isyu umano kay Mario Maurer

"Di ko magets, bakit kailangan na si Miss Nora Aunor, same business parang ang dami-dami nung products na talagang pwedeng gawin same na same so nagi-gets ko naman si Matet," dagdag pa ni RR.

Gayunpaman, ipinaalaala naman ni RR ang relasyon nina Matet at Nora na dapat din umano nilang pahalagahan.

"At the end of the day, nanay mo pa rin siya. Hindi man sa dugo, nanay mo pa rin talaga siya. She is the one na nag-adopt sa'yo and I'm sure, minahal ka din naman niyan. Ginawa niya din naman ang lahat-lahat para mapalaki ka niya ng maayos so If I were you, yaan mo na. Okay na yan, parehas na lang kayo ng business. Ang gawin mo, galingan mo nalang sa pagpo-promote at marketing strategy."

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa YouTube channel na RR Enriquez Sawsawera Queen:

Isa sa pinakaaabangan linggo-linggo ang mga vlog ni RR Enriquez sa kanyang YouTube channel. Matapos kasi siyang mabansagang 'Sawsawera Queen', tila kinagiliwan na ng publiko ang kanyang mga 'brutally honest opinion' sa iba't ibang mga isyu lalong-lalo na sa showbiz.

Read also

Zeinab Harake, ipinakita ang sosyal na Christmas decorations sa kanyang "favorite place"

Mula lamang sa kanyang pag-post sa mga sinasawsawang isyu, umaariba na ngayon ang kanyang YouTube channel at kamakailan ay natanggap na nga niya ang kanyang silver play button. Sa ngayon, mayroon na siyang 150,000 subscribers.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Tags:
Online view pixel