Lola na naka-554 points sa basketball arcade, kinagiliwan online

Lola na naka-554 points sa basketball arcade, kinagiliwan online

- Kinagiliwan online ang lola na nakakuha ng 554 sa basketball arcade sa loob ng limang minuto

- Kapansin-pansin na halos walang mintis sa pag-shoot ng bola ang lola

- Wala talaga itong sinayang na oras at pagkakataon upang maibuslo ang bola dahilan para umabot ng higit 550 ang kanyang score

- Dahil dito, umabot sa mahigit 6 million views ang original video nito sa TikTok

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Agaw-eksena online ang video ng lola na naka-554 points sa isang basketball arcade.

Lola na naka-554 points sa basketball arcade, kinagiliwan online
Photo from TikTok: @iamjethalmador20
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na sa loob ng limang minuto, halos walang mintis ang pagbuslo ng lola ng bola dahilan para umanot sa lampas limang daan ang kanyang points. At kahit pa malayuan ang kanyang huling shot, pasok pa rin ito.

Dahil dito, umani ng papuri ang lola mula sa netizens na nais pa muli nilang mapanood. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

Read also

18-anyos na negosyante, kumikita na ng 6 hanggang 7 digits kada buwan

"Kaaliw naman ito si Lola. Kung apo ako nito, lagi kami nasa arcade"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"'Yung lola ang sinamahan ng apo para maglaro. Good job po! Ang galing"
"I think she was once a basketball athlete a long time ago... Amazing"
"Lola, ano po kaya ang freebies mo sa dami po ng tickets na nakuha mo? Ang galing niyo po"
"Sana mapansin ito ng arcade at bigyan siya ng card na parang unli-pass, Very good lola"

Sa ngayon, may mahigit 6 million views ang original video nito sa TikTok na ibinahagi ni @iamjethalmador20.

Narito ang video na ibinahagi rin ng The Filipino Times:

Kamakailan, nag-viral din ang isang lola na naglalako ng suman na nagawang magbenta muna upang may maibigay sa vlogger na nagpapanggap na humihingi ng tulong sa kanya.

Read also

Vice Ganda, binayaran ang mahigit 50,000 na utang ng isang may-ari ng karinderya

Dahil sa wala siyang maibigay, naisip niyang ibenta muna ang suman at binalikan ang vlogger para bigyan ng kinitang halaga.

Laking gulat ng lola na siya pala ang magagantimpalaan dahil sa kanyang kabutihan.

Hinangaan din ang isang 79-anyos na lola na nagpaturo sa isang teacher nang maituro sa kanyang mga apo ang aralin. Matatandaang sa kasagsagan ng pandemya, hindi pa maaring makabalik ng paaralan ang mga bata kaya naman ang kanilang mga magulang, lolo o lola ang nakapagtuturo sa kanila.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel