Bagong kasal sa Batangas, instant milyonaryo sa PHP1.8 million cash gift ng mga bisita
- Naging instant millionaire ang mga bagong kasal sa Batangas nang umabot sa Php1.8 million ang mga nataangap nila mula sa bisita
- Sa ilang larawang mula sa kasal, makikitang may mga nagbigay sa kanila ng Php100,000
- At ang pinakamalaki nilang natanggap ay ang mula sa kanilang mga magulang na negosyante na nagkakahalaga ng Php1 million
- Naka-bangko na ang naturang halaga na inilalaan nila sa pagtatayo ng sariling negosyo at sa kanilang bubuuing pamilya
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Masasabing napak-swerte umano ng bagong kasal sa Laurel, Batangas nang makatanggap ang mga ito ng PHP1.8 million cash gift mula sa kanilang naging bisita.
Nalaman ng KAMI na ang mag-asawa ay sina Leziel at Julius Perea na tila maganda ang simula ng pagsasama bilang mag-asawa sa maagang biyayang naibigay sa kanila.
Sa ulat ng GMA News, makikita ang halaga ng cash gift na bigay sa kanila ng mga bisita. Mula Php100,000 hanggang sa tumataginting na Php1 million ang halagang natanggap nila.
Ang isang milyong piso na ito ay regalo ng kanilang mga magulang na nagnenegosyo ng palaisdaan.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Ayon kina Leziel at Julius, nailagak na nila sa bangko ang PHP1.8 million na natanggap na gagamitin nila sa sarili nilang negosyo at para na rin sa bubuuing pamilya.
Hindi nalalayo ang kwento nina Leziel at Julius sa noo'y ikinasal sa Valenzuela City na sina Joven at May Jean Acosta nang makatanggap din sila ng Php1.2 million mula naman sa kanilang prosperity dance.
Samantala, hinangaan din naman ang minsang nag-viral na bagong kasal kung saan Php 3,000 lang ang nagastos ng bride at groom sa kanilang wedding reception na ginanap sa Mang Inasal.
Gayundin ang isang bride na ayaw ng enggrandeng kasalan kaya naman niregaluhan na lamang siya ng kanyang groom ng 6000 sqm na lote.
Sa panahon ng pandemya, ilan lamang sila sa mga hindi nagpatinag sa virus at itinuloy pa rin ang kanilang pag-iisang dibdib. Siniguro lamang nila ang pagsunod sa safety protocols at tamang bilang ng mga panauhin.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh