Batang bote ng toyo ang ginawang water bottle, makatatanggap ng maagang pamasko
- Matapos na mag-viral ang post ng teacher tungkol sa kanyang estudyante na bote ng toyo ang ginawang water bottle, marami na ang gustong tumulong sa bata
- Hindi lamang ang naturang mag-aaral ang makatatanggap ng tulong kundi pati na rin ang kanyang mga kaklase
- Maraming netizens ang naantig ang puso sa kwento ng bata na dala ng kakapusan sa salapi, bote ng toyo ang nagwang lalagyan ng tubig
- Ang inspiring story na ito na naibahagi ng teacher ay umabot na sa halos 5 million views
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Umantig sa puso ng maraming netizens ang TikTok video ni Teacher Malone Belmonte tungkol sa kanyang estudyanteng bote ng toyo ang ginawang water bottle.
Inakala ni Teacher Malone na may baong toyo ang estudyante. Ngunit nang ipabukas nito ang bote, napag-alaman niyang tubig pala ang laman nito.
"Nagulat and at the same time nalungkot ako," ayon sa gùro. Magsilbing paalala umano ang sitwasyon na ito ng kanyang mag-aaral na habang ang iba sa atin ay nagagawang magreklamo pa sa buhay sa kabila ng ginhawang tinatamasa, may mga taong dumadaan sa matinding hirap makamit lamang ang kanilang mga pangarap.
At dahil labis na nakaka-inspire ang naibahagi na ito ni Teacher Malone, umaapaw ang mga mensahe kung saan nais umano nilang magpaabot ng tulong hindi lamang sa may-ari ng water bottle ngunit maging sa buong klase.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Narito ang TikTok video na ibinahagi rin ni @@a_quee-lah
Nag-viral din kamakailan din ang isang gùro sa Misamis Occidental na namahagi ng surpresa sa kanyang mga mag-aaral na nakakuha ng mataas na grado sa unang markahan pa lang ng panuruang taong 2022-2023.
Labis na hinangaan ng marami si Teacher Jeric na naghandog ng bagong bag, ilang kilo ng bigas, regalo, jacket, sertipiko at rosaryo sa kanyang masisipag na mag-aaral sa pagbabalik ng mga ito sa mismong paaralan kamaikailan.
Mababakas ang saya sa mga ngiti sa labi ng kanyang mga mag-aaral na nakatanggap ng mga surpresa kaya naman napayakap na lang sila sa kanilang titser bilang pasasalamat.
Dahil dito, umani ng papuri si Teacher Jeric na sana raw pamarisan ng marami upang maghatid ng inspirasyon sa mga mag-aaral na nagbalik paaralan na.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh