Vice Ganda, namigay ng P300,000 para sa mga staff ng It's Showtime

Vice Ganda, namigay ng P300,000 para sa mga staff ng It's Showtime

- Pinasaya ni Vice Ganda ang mga staff ng "It's Showtime" matapos niyang sabihin na mamimigay siya ng P300,000 para sa mga ito

- Sa kanilang Magpasikat performance ngayong araw kung saan kasama niya si Amy Perez, binigyang-pugay nila ang mga manggagawa na ginagamit ang kanilang kamay sa paggawa ng kabutihan

- Binigyang halaga niya din ang mga taong differently abled at mga taong may kapansanan

- Ang Magpasikat performance ng mga host ng "It's Showtime" ay taunang ginagawa upang ipagdiwang ang anniversary ng naturang noontime show na 13 taon na sa telebisyon

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Namigay si Vice Ganda ng P300,000 para sa mga staff ng It's Showtime sa pagdiriwang nila ng ika-13 taon ng noontime show. Matapos ang kanilang magpasikat performance ni Amy Perez, binahagi ni Vice ang mensahe ng kanilang ginawa.

Read also

Chie Filomeno, muling pinag-usapan sa binahaging passport size picture

Vice Ganda, namigay ng P300,000 para sa mga staff ng It's Showtime
Vice Ganda, namigay ng P300,000 para sa mga staff ng It's Showtime (@praybeytbenjamin)
Source: Instagram

Ani Vice, nagkaroon siya ng inspirasyon na bigyang pugay ang mga taong ginagamit ang kanilang kamay upang gumawa ng mabuti. Ito ay nang lumabas umano ang mga fake news tungkol sa kanya. Napaisip siya tungkol sa mga taong ito na aniya ay ginagamit ang kanilang mga kamay upang gumawa ng mga hindi magandang bagay.

Binigyang halaga niya din ang mga taong differently abled at mga taong may kapansanan. Aniya, sana dumating ang panahon na mayroon na ding sign language interpreter sa kanilang show para naman sa mga taong hindi nakakarinig.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Vice Ganda ay isang aktor, TV host at komedyante na bumida na sa maraming pelikula kagaya ng Sisterakas, Praybeyt Benjamin, at Revenger’s Squad na talaga namang kumita sa takilya. Isa rin siya sa mga hosts ng noon time show na It's Showtime. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics. Nakapagtanghal na rin siya sa iba't-ibang bahagi ng mundo sa pamamagitan ng kanyang pagpapatawa.

Read also

RR Enriquez sa komento ni Xian Gaza sa may mga sugar daddy: "Medyo mali ka diyan"

Kinaaliwan ang video ni Vice Ganda na kanyang binahagi sa kanyang YouTube channel. Makikita sa kanyang bagong video ang nakakaaliw na reaksiyon ng kanyang mga co-host. Hinamon niya ang mga ito sa challenge niya gamit ang laruang bad dog na aniya ay natanggap niya bilang regalo. May alok din siyang premyo sa makakagawa ng kanyang challenge sa loob lamang ng takdang oras na binigay niya.

Naghayag naman si Vice Ganda ng kanyang pagka-miss kay Ion na sa kasalukuyan ay hindi niya kasama sa kanyang bakasyon. Base sa kanilang mga social media post, kasalukuyang nasa Japan si Ion samantalang kasama naman ni Vice ang ilang kaibigan at pamilya niya. Sa kabila ng pang-iintriga sa kanilang relasyon, nagbahagi ng mensahe si Vice kay Ion na na-mi-miss na niya umano ito. Nauna na ring umalma si Ion at nagsalita laban sa taong aniya ay wala nang boses pero wala pa ring magandang salitang lumalabas sa bibig.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel