RR Enriquez sa komento ni Xian Gaza sa may mga sugar daddy: "Medyo mali ka diyan"

RR Enriquez sa komento ni Xian Gaza sa may mga sugar daddy: "Medyo mali ka diyan"

- Maging si RR Enriquez ay inalmahan ang nasabi umano ni Xian Gaza tungkol sa mga babaeng mayroong sugar daddy

- Aniya, sang-ayon siya sa naging pahayag ni Donnalyn Bartolome kaugnay nito

- Mayroon din namang mga babaeng pinalad na hindi na umano talaga kailangan ng sugar daddy para lamang makamit ang mga materyal na pangangailangan sa buhay

- Ayon kay RR, walang sinoman ang maaring humusga sa mga babaeng mayroong sugar daddy

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Hindi nakaligtas kay 'Sawsawera Queen' RR Enriquez ang naging pahayag ni Xian Gaza patungkol sa mga kababaihang mayroong 'sugar daddy.'

RR Enriquez sa komento ni Xian Gaza sa may mga sugar daddy: "Medyo mali ka diyan"
RR Enriquez (@rr.enriquez)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na isa ito sa mga tinalakay ni RR sa pinakabagong episode niya ng kanyang YouTube channel.

Ayon kay RR, hindi dapat na hinuhusgahan ang isang babaeng pinili na magkaroon ng sugar daddy gayung maaring mayroon itong mabigat na rason.

Read also

Nadine Lustre, bukas sa posibilidad na makatrabaho si James Reid

"'Yung ibang mga babaeng nagsu-sugar daddy, hindi natin alam bakit nila nagawa 'yun, number one diyan is poverty they just wanted to help their family. 'Wag nating husgahan," aniya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sinag-ayunan din niya ang pahayag ni Donnalyn Bartolome tungkol dito lalo na at may mga kababaihan naman talagang hindi na kailangan ng sugar daddy para makamit ang mga bagay-bagay.

"Again sabi nga ni Donnalyn Bartolome, aba e kung maganda ka naman ay may gustong magbayad ng VIP table mo so what 'di ba... Ako I'm just being smart. So 'dun ako. Wala tayong karapatang husgahan 'yung mga taong nagsu-sugar daddy"

Kaya namang tahasang nasabi ni RR na hindi siya sang-ayon sa viral post ni Xian na nagpaingay sa socmed kamakailan.

"Medyo mali ka jan Xian Gaza Diyos ko Lord, Kalalaki mong tao. Mali 'yun. Di kita kakampihan diyan"

Read also

RR Enriquez sa umano'y paglantad nina Paolo at Yen: "Time is the ultimate truthteller"

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag:

Sa ngayon, isa sa inaabangan linggo-linggo ang mga vlog ni RR Enriquez. Matapos kasi siyang mabansagang 'Sawsawera Queen', tila kinagiliwan na ng publiko ang kanyang mga 'brutally honest opinion' sa iba't ibang mga isyu lalong-lalo na sa showbiz.

Mula lamang sa kanyang pag-post sa mga sinasawsawang isyu, umaariba na ngayon ang kanyang YouTube channel at kamakailan ay natanggap na nga niya ang kanyang silver play button.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel