Teacher sa Misamis Occ, hinangaan sa mga surpresang handog sa kanyang honor pupils
- Umani ng papuri si Teacher Jeric Bocter Maribao dahil sa mga regalong handog niya sa kanyang mga estudyante
- Ito ay partikular na sa mga batang nagkamit ng mataas na grado sa Unang Markahan
- Mayroon siyang bag, bigas, certificate, rosary at jacket sa mga mag-aaral na kinakitaan ng kasipagan at magandang marka sa umpisa pa lang ng panuruang taon 2022-2023
- Una nang nag-viral si Teacher Jeric sa video ng masasayang pamamaraan niya ng partuturo sa elementarya
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Viral ngayon ang titser na si Jeric Bocter Maribao na namahagi ng surpresa sa kanyang mga mag-aaral na nakakuha ng mataas na grado sa unang markahan pa lang ng panuruang taong 2022-2023.
Nalaman ng KAMI na labis na hinangaan ng marami si Teacher Jeric na naghandog ng bagong bag, ilang kilo ng bigas, regalo, jacket, sertipiko at rosaryo sa kanyang masisipag na mag-aaral.
Mababakas ang saya sa kanyang mga mag-aaral na nakatanggap nito kaya naman napayakap na lang sila sa kanilang titser bilang pasasalamat.
Dahil dito, umani ng papuri si Teacher Jeric na sana raw pamarisan ng marami upang maghatid ng inspirasyon sa mga mag-aaral na nagbalik paaralan na.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"Napakabuti niyo po sir. Sana po marami pa kayong ma-inspire dahil sa kabutihan niyo"
"Grabe, may bag, jacket, bigas, at marami pa. Gaganahan talaga akong mag-aral pag teacher ko ito"
"So inspiring... More blessings to come Teacher Jeric"
"Thank you for being a blessing to other's. May God bless your good heart"
Sa pagbabalik eskwelahan nga ng mga bata, kanya-kanyang gimik din ang mga teachers para lamang masigurong masaya ang pagbabalik eskwela ng mga bata. Isa na rito ang kakaibang paraan ng pag-aattendance kung saan sa halip na 'present' ang sasabihin, 'Darna' sinasabi ng bata para malaman ng teacher na naroon siya.
Gayunpaman, may ilang tila hirap pa rin sa pagbabalik paaralan ng mga bata lalo na iyong mga magulang na labis na naapektuhan ng pandemya. Isa na rito ang nag-viral na liham ng isang magulang na ibinahagi ng teacher.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh