Rico at Jayjay, sa inasal ng NCAA player; "Wala ka pa sa PBA ta's ganyan ka na"
- Nahingan ni RR Enriquez ng komento ang dalawang kilalang dating PBA players na sina Rico Maierhofer at Jayjay Helterbrand kaugnay sa kontrobersyal na NCAA player
- Ang NCAA player na ito ay walang iba kundi si John Amores na umano'y nanuntok ng ilan sa mga nakalaban nila mula sa College of Saint Benilde
- Bilang mga 'kuya' raw ng mga ito, nagbigay payo sila kay Amores lalo na at nagsisimula pa lang ito sa pag-abot ng pangarap niya bilang isang propesyunal na basketbolista
- Ayon sa dalawa, nararapat lamang na bigyan pa ng pagkakataon si Amores na magbago para sa pag-abot ng propesyong tinatahak niya
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Sa pinakabagong vlog ni RR Enriquez, nahingan niya ng komento ang mga respetadong PBA players na sina Rico Maierhofer at Jayjay Helterbrand patungkol sa kontrobersyal na panununtok umano ng NCAA player na si John Amores.
Nalaman ng KAMI na pinayuhan ng dalawa si Amores lalo na at nalaman nilang hindi ito ang unang beses na nagawa nito ang manakit sa court.
"I feel bad for the kid kasi we don't know what he's going through. The game, when it's intense like that, our emotions get the best of us," ani Jayjay.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
"At the same time, we can't lose control like that. Very unfortunate incident. Sa'kin sana mabigyan siya ng second chance. He's still young. He's got a great future ahead of him. Daming galit sa kanya, of course hindi naman kasi tama 'yung ginawa niya," dagdag pa nito.
Nabanggit din nilang hindi kasi ito ang unang beses na nagawa ni Amores na manakit sa loob ng court, bagay na dapat matulungan siya pagdating sa pagkontrol ng kanyang temper.
"Ngayon kung hindi mo maha-handle 'yung emotions mo, hindi para sa'yo ang basketball," ani Rico.
"Sa side ni Amores, I'm sure pinagsisisihan niya 'yung ginawa niya. Kasi from what I heard, affected din 'yung scholarship niya. affected 'yung school niya affected yung future niya...Wala ka pa sa PBA tas ganyan ka na, mahirap na situation para sa kanya," dagdag pa ni Rico.
Pinayuhan din nila ito bilang mga 'kuya' pagdating sa basketball gayun ang tinatahak nitong landas ay patungong PBA.
"Kung mapapanood ni Amores 'to... kuya-kuyahan mo na kami. Na ikaw ngayon na isang college player na nangangarap na maging basketball player, there's no doubt pangarap mo 'yan kaya ka nga nagsusumikap, kaya ka nagpa-praktis everyday with your teammate sa school mo, sa team mo is maabot mo 'yung naabot namin. I-take mo lhat yung punishment pero never give up on your dreams," payo nina Rico at Jayjay.
Narito ang kabuuan ng kanilang pahayag mula sa YouTube channel na RR ENRIQUEZ Sawsawera Queen:
Sa ngayon sa inaabangan linggo-linggo ang mga vlog ni RR Enriquez. Matapos kasi siyang mabansagang 'Sawsawera Queen', tila kinagiliwan na ng publiko ang kanyang mga 'honest opinion' sa mga isyu lalong-lalo na sa showbiz. Mula lamang sa kanyang pag-post sa mga sinasawsawang isyu, umaariba na ngayon ang kanyang YouTube channel at kamakailan ay natanggap na nga niya ang kanyang silver play button.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh