Bride, napahagulhol nang malamang LET passer na rin sa mismong araw ng kanyang kasal
- Isang bride ang labis na nasurpresa nang malamang pasado na rin siya sa Licaensure Examinations for Teachers sa mismong araw ng kanyang kasal
- Habang nasa bridal car, natanggap niya ang tawag mula sa kanyang lecturer at inihatid nito ang magandang balita
- Nang makababa sa bridal car, doon na bumuhos ang emosyon sa bride na napayakap na lang sa kanyang mga magulang
- Halos hindi siya makapaniwalang licensed teacher na siya sa dami ng kanyang pinagdaanan makamit lang ito
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Doble ang kasiyahang nadama ng bride na si Jolina Joyce Sanchez-Castillo nang malaman niya sa mismong araw ng kanyang kasal na nakapasa rin siya sa Licensure Examinations for Teachers.
Nalaman ng KAMI na noo'y nasa bridal car na si Teacher Jolina nang tawagan siya ng lecturer niya sa Review Center at ibinulalas nito ang magandang balita.
Sa panayam sa kanya ng GMA News, aminado si Teacher Jolina na halos hindi siya makapaniwalang isa na siyang ganap na licensed teacher.
"'Nung una po hindi po talaga ako naniniwala. Akala ko good time lang. 'Nung talagang tinanong ko, sinure ko kung talagang nakapasa po ako. Sabi nila oo daw po. So dun ako naiyak," aniya.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Makikita sa video na kuha ng kanyang mister ang aktwal na eksena kung saan napayakap agad si Teacher Jolina sa kanyang mga magulang pagkababa pa lang ng bridal car habang sinasabi ang magandang balita.
Nabanggit din niyang matinding sakripisyo ang ginawa niya at ng kanyang pamilya maabot lamang ang kanyang matagal nang pinapangarap na maging isang teacher.
Kamakailan, kinagiliwan naman online ang kakaibang paraan ng gurong si Miss Joanne ng pagkuha niya ng attendance ng kanyang mga estudyante.
Sa halip kasi na sabihing "present", "Darna" ang pinasisigaw ni Teacher Joanne bilang tugon sa kanyang mga kanyang mga estudyante sa pagbabalik eskwela ng mga ito.
Tila nagpagandahan pa talaga ng pagbigkas ng 'Darna' ang mga estudyante, mapalalake man o babae ang kanyang tinatawag.
Maririnig din ang masasayang tawanan ng mga mag-aaral na bago pa man mag-umpisa ang araw nila sa paaralan ay aliw na aliw na sila sa pambungad na gawain.
Nito lamang Nobyembre 2, malawakan na ang pagsasagawa ng pagbabalik eskwela sa mga pampublikong paaralan.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh