K Brosas, sinabing parang dalawang bahay ang binili niya sa lahat ng nagastos

K Brosas, sinabing parang dalawang bahay ang binili niya sa lahat ng nagastos

- Nabanggit ni K Brosas sa pang-apat na bahagi ng kanyang house tour na kung tutuusin ay parang dalawang bahay ang kanyang nabili

- Ito ay matapos nga siya umanong iwan ng contractor ng bahay na kanya na ding sinampahan ng kaso

- Dagdag pa niya, naniniwala siyang mananaig pa rin ang hustisya sa kanyang sinapit

- Sa kanyang pinakabagong vlog ay pinakita ni K ang kanyang banyo sa bagong bahay

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ani K Brosas, parang dalawang bahay na ang nabili niya kung tutuusin dahil sa nauna niya nang nailabas na pera ng umano'y iwan ng naunang contractor ang pinapagawa niyang bahay. Dagdag pa niya, naniniwala siyang mananaig pa rin ang hustisya sa kanyang sinapit.

K Brosas, sinabing parang dalawang bahay ang binili niya sa lahat ng nagastos
K Brosas, sinabing parang dalawang bahay ang binili niya sa lahat ng nagastos (@kbrosas)
Source: Instagram

Nabanggit niya ito sa ikaapat na bahagi ng kanyang house tour. Sa kanyang banyo ay makikitang kanyang shower at kanyang bath tub na mayroon ding jacuzzi.

Read also

Bride, napahagulhol nang malamang LET passer na rin sa mismong araw ng kanyang kasal

Habang pinapakita ang kanyang bath tub ay naaalala niyang kung tutuusin umano ay nabayaran niya na ang unang bath tub dahil sa perang nailabas niya sa unang contractor ng bahay.

Ani K, minsan lang naman siya gumagamit ng bath tub at mahilig siyang magbabad sa maligamgam na tubig.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nakilala si K sa husay niya sa pagpapatawa at galing sa pagkanta. Sa katunayan, nakapag concert na rin siya na talaga namang sinuportahan ng kanyang mga tagahanga.

Naging kabilang si K sa mga hurado sa Tawag ng Tanghalan sa It's Showtime bago siya lumipat sa TV5.

Matatandaang nitong buwan ng Agosto ay naibahagi ni K ang picture ng kanyang bahay na noon ay patapos pa lamang. Sa kanyang Twitter post ay naibahagi niya ang picture ng kanyang three-storey minimalist home. Masayang-masaya si K sa biyayang kanyang natanggap na kanyang pinagpasalamat sa Panginoon. Nauna niya nang nabanggit na September sila lilipat sa bagong bahay nila.

Read also

K Brosas, pinasilip ang kanyang walk-in closet sa bagong bahay nya

Sa sumunod na post niya ay naibahagi niyang nakalipat na nga sila sa kanilang bagong bahay. Sa kanyang social media post ay napasilip niya ang itsura ng kanilang bagong bahay. Nagbahagi din siya ng picture niya habang nakatayo sa balkonahe ng kanyang three-storey house. Ibinahagi din ni K ang kanyang pasasalamat sa architect at contractor na bumuo ng kanyang bahay.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel