Iba pang naging Landmark employees, lumantad; dumulog na rin sa RTIA
- Lumantad na rin ang iba pa umanong Landmark employees na biktima umano ng sapilitang pagkakaltas sa sahod ng umano'y 'short' nila sa kaha
- Pawang mga cashier at bagger o checker ang naging biktima umano ng ilang branch ng Landmark
-Ang dalawa sa mga lumantad ay mula rin sa Landmark Makati habang ang tatlo pa ay mula sa Landmark Nuvali
-Nangako naman si Tulfo na tututukan ang naturang insidente lalo na at tila dumarami na ang lumalabas na naging biktima ng nasabing department store
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Lumantad na rin ang iba pang mga dating empleyado ng Landmark na halos pareho ang sinapit kay Erika Joy Buendicho
.Matatandaang una nang dumulog si Erika sa programa ni Senator Raffy Tulfo dahil sa umano'y sapilitang pagpapaamin sa kanya na kinuha niya ang na-short daw niyang halos Php5,000 sa kanyang kaha.
Sa limang mga nagtungo na rin sa Wanted sa Radyo, dalawa sa mga ito ay mula rin sa Landmark Makati habang ang tatlo naman ay mula sa Landmark Nuvali.
Halos pareho ang kanilang sinapit kung saan sapilitan ang pagpapaamin sa kanila sa bagay na hindi naman nila umano ginawa.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Dahil dito, nasabi ni Tulfo na malaki umano ang posibilidad na alam na ito ng pamunuan ng Landmark.
"I hate to think na alam na ito ng management. Sinasadya para makatipid sa pagsuweldo sa mga tao. Parang ganun lumalabas e. Kasi kung tutuusin dumarami na at alam na pala ng management ng branch at wala silang ginagawang pag-iimbestiga, then kasabwat na para sa akin kung totoo itong mga sinasabi sa' Parang alam na ng top management," ani Senator Tulfo.
Hanggang sa oras na lumantad na rin ang iba pang mga emoleyadong kapareho ng sinapit kay Erika, hindi pa rin naglalabas ng pahayag ang Landmark ukol sa mga insidente.
Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.
Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan may mahigit 25 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'. Dahil sa kanyang serbisyo, pinakatiwalaan din siya ng publiko at nahirang bilang senador mula Mayo sa Eleksyon 2022.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh