Estudyanteng umaming di alam ang isasagot sa exam, umantig sa puso ng netizens
- Viral ang post ng isang teacher kung saan naibahagi ang komento ng estudyante sa kanyang pa-exam
- Mapapansing nakakuha lamang ito ng kalahati ng kabuuang grado at inaming hindi alam ang isasagot
- Pinasalamatan naman ng teacher ang kanyang estudyante na naging honest sa hindi pagsagot sa isang bahagi ng pagsusulit
- Umani ng papuri ang teacher maging ang estudyante na naging tapat sa kanyang sarili
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Agaw-eksena ang post ng teacher na si Jamoi Ray Vedasto kung saan ipinakita niya ang umano'y pag-amin ng isa sa kanyang mga estudyante.
Nalaman ng KAMI na sa test paper ng estudyante, makikita ang score nito na 25/50. Sa tabi nito ang pag-amin na hindi niya alam ang kung ano ang isasagot.
"Ok nak... aralin natin ulit. Salamat sa pagiging honest." ang sagot naman sa kanya ni Teacher Jamoi.
Maraming netizens ang humanga sa bata maging sa teacher na ito na nanatiling positibo lalo na at karamihan sa mga mag-aaral ngayon ay kababalik pa lamang sa in-person classes set-up sa kanilang mga paaralan.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Narito ang ilang sa mga komento ng netizens:
"Sana lahat ng teacher ganito. Totoo naman kasi na hindi lahat ng mga bata makukuha agad ang lesson"
"Honest ang estudyante, understanding naman si Ma'am. Tularan sana kayo ng marami"
"Sa score nung bata, alam mong na-try naman niya ang best niya sa exam nila. Siguro yung part lang na yun hindi niya alam. Buti bibigyan pa siya ng chance ni Teacher"
"Ganyan dapat ang teacher. Hindi susukuan ang mag-aaral hangga't hindi natututo. Pero siyempre dapat may gabay din ng mga magulang at hindi iasa na lang sa mga maestra nila"
"Marami sigurong ganito ngayon sa pagbabalik ng face-toface. Buti mabait si ma'am, swerte nung student."
Narito ang post ni Jamoi Ray Vedasto na ibinahagi rin ng Pilipino Star Ngayon Digital:
Kamakailan, kinagiliwan naman online ang ng kakaibang paraan ng gurong si Miss Joanne ng pagkuha niya ng attendance ng kanyang mga estudyante.
Sa halip na sabihing "present", "Darna" ang pinasisigaw ni Teacher Joanne bilang tugon sa kanyang mga kanyang mga estudyante sa pagbabalik eskwela ng mga ito.
Tila nagpagandahan ng pagbigkas ng 'Darna' ang mga estudyante, mapalalake man o babae ang tinatawag.
Maririnig din ang masasayang tawanan ng mga mag-aaral na bago pa man mag-umpisa ang araw nila sa paaralan ay aliw na aliw na sila sa pambungad na gawain.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh