DepEd, opsyonal na rin ang pagpapasuot ng face mask sa pagbabalik paaralan

DepEd, opsyonal na rin ang pagpapasuot ng face mask sa pagbabalik paaralan

- Opsyonal na rin ang pagpapasuot ng face mask sa mga mag-aaral na magbabalik eskwela sa Nobyembre 2

- Ito ay binigyang linaw ni DepEd Spokesperson Michael Poa matapos na maglabas ang Malacañang ng executive order tungkol sa optional na pagsusuot ng face mask

- Gayunpaman, mariing ipinaaalala pa rin ang minimum public health standards, tulad ng physical distancing, palagiang paghuhugas ng kamay o disinfection at proper ventilation

- Ito ang kauna-unahang pagkakataon na malayang makapagtatanggal ng mask ang mga kabataan sa pampublikong lugar kung kanilang nanaisin

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa muling pagbubukas ng mas maraming mga pampublikong paaralan sa Nobyembre 2, naglabas din ng pahayag ang Kagawaran sa Edukasyon patungkol sa pagsusuot ng face mask.

DepEd, opsyonal na rin ang pagpapasuot ng face mask sa pagbabalik paaralan
Department of Education (Wikimedia Commons)
Source: UGC

Matatandang nilagdaan na ni Pangulong Bongbong Marcos ang Executive order number 7 na patungkol sa opsyonal na paggamit ng face mask, indoors o outdoors man. Maliban na lamang kung nasa loob ng transportasyon at nasa mga clinic o ospital.

Read also

Cristy sa mga nagsasabing 'pambansang paawa' si Andrew Schimmer; "Nakakalungkot"

"We will follow EO (Executive Order) 7... Schools may immediately implement optional masking indoors, pursuant to EO 7,” ayon kay DepEd Spokesman Poa.

Gayunpaman, binigyang diin pa rin ang pagpapatupad ng minimun health protocols tulad ng physical distancing, proper ventilation, frequent sanitation o hand washing upang masigurong maliligtas pa rin ang mga bata sa COVID-19.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ito ang unang pagkakaton na pahihintulutan ang publiko na hindi na opsyonal na lamang ang paggamit ng facemask sa loob ng mahigit dalawang taon.

Narito ang kabuuang ulat mula sa GMA News YouTube channel:

Matatandaang ilang mga eskwelahan na nasa ilalim ng alert level 1 ang nagsimula nang magbalik paaralan sa pagtatapos ng panuruang taon 2021-2022. At dahil sa naging matagumpay ang pagsasagawa ng face to face classes, pinahintulutan nang magbalik paaralan muli ang mga estudyante.

Read also

Andrew Schimmer, nag-update sa ika isang taon ng pagkaka-ospital ng misis

Katunayan, ilang mga lungsod na ang nauna nang magpatupad ng in-person classes bago pa ang opisyal na pagbubukas ng paaralan ngayong Nobyembre 2. Habang ang iba naman ay naka-online classes parin at minsan sa isang linggo ay pinapapasok din ng paaralan para mas mapaliwanagan ng teacher at makasalamuha rin ang kanilang mga kamag-aral.

Gayunpaman, sa kabila ng matagumpay na pagsasagawa ng in-person classes, kinumpirma rin kamakailan ng Kagawaran ng Edukasyon na mayroong mga nagpositibo sa COVID-19 na mga estudyante, teacher at shool staff.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica