Viy Cortez, nilaan ang isang araw na kita ng mga negosyo sa mga nasalanta ni Paeng

Viy Cortez, nilaan ang isang araw na kita ng mga negosyo sa mga nasalanta ni Paeng

- Nilaan ng vlogger at businesswoman na si Viy Cortez ang isang araw nilang kita para sa mga nasalanta ng Bagyong Paeng

- Sa kasagsagan ng bagyo noong Oktubre 29, inanunsyo ni Viy na ang lahat ng sales nila ng VIYLine Cosmetics at VIYLine Skincare ay para makatulong sa mga apektado ng bagyo

- Dahil dito, nakabili umano sila ng boat at nakapag rent ng 10 wheeler truck para magamit sa rescue operations

- Nabanggit din niyang mamahagi sila ng ilang mga gamit ni Kidlat para naman sa mga baby ng pamilyang labis na nadama ang hagupit ni Paeng

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Marami ang naantig ang puso sa pagtulong na ginawa ng influencer na si Viy Cortez para sa mga nasalanta ng bagyong Paeng.

Viy Cortez, nilaan ang isang araw na kita ng mga negosyo sa mga nasalanta ni Paeng
Viy Cortez (@viycortez)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na noong Oktubre 29, sa kasagsagan ng pananalasa ni 'Paeng' sa bansa, inanunsyo ni Viy na ang lahat ng kita ng kanyang mga business na VIYLine Cosmetics at VIYLine Skincare sa araw na iyon ay ilalaan niya sa pagpapaabot ng tulong sa mga pamilyang apektado ng bagyo.

Read also

Ninong Ry, aminadong emosyonal sa pagluluto para sa 300 katao sa preso

At sa kanyang update ngayong Oktubre 30, sinabi niyang nakabili na sila ng boat at nakaarkila ng mga truck para magamit sa pagdadala ng tulong sa ating mga kababayan sa Laguna.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Sa lahat ng bumili kahapon sa VIYLine Cosmetics at VIYLine Skincare hindi ko pa po alam ang total ng sales pero nakabili na po tayo ng boat at nakapag rent ng 10 wheeler truck kagabi para sa rescue sa Laguna"

Kaya naman taos-puso ang pasasalamat niya sa kanyang mga 'Viviys' sumuporta sa kanyang pagtulong na ito.

Samantala, nabanggit din ni Viy na mamamahagi rin sila ng mga gamit pam-baby ni Kidlat sa mga pamilyang may sanggol na naapektuhan ni Paeng.

Si Viy Cortez ay isa sa mga kilalang YouTube content creator sa bansa na mayroong 6.13 million cubscribers. Siya ang girlfriend ng isa ring kilalang influencer sa Pilipinas, si Lincoln "Cong" Velasquez na mayroon namang 10.7 million cubscribers.

Read also

Toni Fowler, Php800,000 ang kauna-unahang kita sa YouTube

Si Viy ay CEO ng VIYLine Cosmetics at VIYLine Skincare. Nito lamang Hulyo ngayong taon, isinilang niya ang panganay na anak nila ni Cong na si Zeus Emmanuel Cortez Velasquez na tinatawag nila ngayong "Kidlat".

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel