Vlogger na si Virgelyn, agad na nagdala ng tulong sa mga binaha dahil kay 'Paeng'

Vlogger na si Virgelyn, agad na nagdala ng tulong sa mga binaha dahil kay 'Paeng'

- Agad na nagdala ng tulong ang vlogger na si Virgelyn sa mga kababayan niya sa Barangay Triangulo, Naga City

- Ayon kay virgelyn, bahain daw talaga sa naturang lugar kaya naman hindi ito nakawala sa baha na dulot ng walang tigil na pag-ulan dahil sa Bagyong Paeng

- Namahagi si Virgelyn ng bigas, de lata at noodles na maaring pantawid gutom ng mga kababayan niyang lubog sa baha

- Kilala si Virgelyn sa pagtulong sa kapwa at isa sa mga natulungan niya ay ang dating komedyante na si Mura

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa ang vlogger na si Virgelyn ng YouTube channel na Virgelyncares 2.0 sa mga unang nagpaabot ng tulong sa mga nasalanta ng Bagyong Paeng.

Vlogger na si Virgelyn, agad na nagdala ng tulong sa mga kababayang binaha dahil kay Paeng
Si Marco Rodriguez o mas kilala bilang si Virgelyn kasama ang isa sa kanyang mga natulungan (Virgelyncares 2.0)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na agad niyang pinuntahan ang mga kababayan niya sa Barangay Triangulo Naga City na madalas umanong bahain.

Read also

Viy Cortez, mamamahagi rin ng mga baby clothes sa mga nasalanta ng Bagyong Paeng

Hindi nakawala ang naturang barangay sa baha na dulot ng hagupit ni Paeng na tila walang humpay sa pag-ulan noong Oktubre 29.

Kaya naman, nang humina ang ulan, agad na nagtungo si Virgelyn sa nasabing lugar dala ang ilang sakong bigas, mga de lata at noodles.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Malaking bagay umano ito bilang pantawid gutom ng mga kababayan natin doon hirap sa pag-alis dahil sa baha.

Mapa matanda man o bata at nakipila sa handog na tulong ni Virgelyn at sila'y umuuwi ng may ngiti sa kanilang labi sa kabila ng pagkakalubog nila sa tubig.

Narito ang kabuuan ng video:

Si Marco Rodriguez o mas kilala bilang si Virgelyn ng 'Virgelyncares 2.0' ay isang YouTube content creator sa Bicol na ang pangunahing laman ng kanyang mga video ay ang pagtulong sa kapwa.

Read also

Viy Cortez, nilaan ang isang araw na kita ng mga negosyo sa mga nasalanta ni Paeng

Dahil din sa mga subscribers niya ng mga overseas Filipino workers o OFW, lalong dumarami ang kanyang mga natutulungan. Umabot na sa 1.35 million ang kanyang mga subscribers.

Si Virgelyn ang naging daan upang makita ng publiko ang kalagayan ngayon ng dating artista na si Mura.

Dahil dito, dinagsa ng tulong si Mura kasama na rito ang pagbisita ng namayapa na niyang kaibigan na si Mahal. Matatandaang ilang buwan bago siya pumanaw, nabisita pa mismo niya si Mura at siya mismo ang nagpaabot ng tulong dito. Plano pa sana nilang magkaroon muli ng proyekto subalit sa kasaamang palad ay hindi na ito natuloy

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica