Viy Cortez, mamamahagi rin ng mga baby clothes sa mga nasalanta ng Bagyong Paeng

Viy Cortez, mamamahagi rin ng mga baby clothes sa mga nasalanta ng Bagyong Paeng

- Inanunsyo ng influencer na si Viy Cortez na mamamahagi rin sila ng mga damit pambata sa mga nasalanta ng Bagyong Paeng

- Sa dami daw umano ng mga natanggap na regalo ng anak nilang si Kidlat, naisipan nilang ibahagi ito sa higit na nangangailangan ngayon

- Bukod dito, nilaan din ni Viy ang isang araw niyang kita sa mga negosyo para makapagpadala ng tulong sa labis na naapektuhan ni Paeng

- Ang mga nasabing tulong na ito ay bukod pa sa ipaaabot niya mula sarili niyang bulsa

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Bilang isang first-time mom, hindi nakalimutan ni Viy Cortez ang mga sanggol sa mga pamilya na labis na nasalanta ng Bagyong Paeng.

Viy Cortez, mamamahagi rin ng mga damit pam-baby sa mga nasalanta ng Bagyong Paeng
Viy Cortez, kasama sina Cong at Kidlat (@viycortez)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na bukod sa isang araw na kita ng VIYLine Cosmetics at VIYLine Skincare na inilaan niya sa pagtulong, mamamahagi rin siya ng mga damit pam-baby.

Read also

Viy Cortez, nilaan ang isang araw na kita ng mga negosyo sa mga nasalanta ni Paeng

"Comment po kayo dito san po ang mga location ng evacuation center lalo na po yung mga may baby magdadala po kami ng mga damit. sobrang dami ng regalo ni Kidlat nung binyag isheshare namin."

Hindi nagdalawang-isip si Viy na magbahagi ng mga damit ng kanyang anak na si Kidlat para sa mga baby na maaring hindi nadalhan ng pamalit ng kanilang magulang sa pagmamadaling makalikas o makapunta sa mas ligtas na lugar.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa kanyang update ngayong Oktubre 30, nakabili na siya ng mga life boats at nakaarkila na siya nga mga truck na magdadala ng tulong sa ilang evacuation sites sa Laguna.

Ang lahat ng tulong na nabanggit ay bukod pa sa ipaaabot niya mula sa sarili niyang bulsa.

Si Viy Cortez ay isa sa mga kilalang YouTube content creator sa bansa na mayroong 6.13 million cubscribers. Siya ang girlfriend ng isa ring kilalang influencer sa Pilipinas, si Lincoln "Cong" Velasquez na mayroon namang 10.7 million cubscribers.

Read also

Ninong Ry, aminadong emosyonal sa pagluluto para sa 300 katao sa preso

Si Viy ay CEO ng VIYLine Cosmetics at VIYLine Skincare. Nito lamang Hulyo ngayong taon, isinilang niya ang panganay na anak nila ni Cong na si Zeus Emmanuel Cortez Velasquez na tinatawag nila ngayong "Kidlat".

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel