Virgelyncares, nasa ospital; pinabulaanan ang kumakalat na agaw-buhay na siya

Virgelyncares, nasa ospital; pinabulaanan ang kumakalat na agaw-buhay na siya

- Nag-labas ng live video ang vlogger na si Virgelyncares matapos na lumabas ang bali-balitang agaw-buhay na siya

- May ilang mga social media page daw kasi ang naglalabas ng fake news na hindi na raw maganda ang lagay ni Virgelyn

-Ipinaliwanag niya ang totoong nangyari kung bakit kasalukuyan nga siyang nasa ospital

- Sinabi niyang tila dinamdam niya ang mga problema niya kamakailan at nagbigay paalala pa rin siya sa publiko na alagaan ang sarili upang maiwasan ang pagkakasakit

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nag-live ang vlogger na si Virgelyncares sa kanyang YouTube channel upang maipakita sa kanyang subscribers na siya ay buhay na buhay pa rin sa kabila ng karamdaman.

Nalaman ng KAMI na may mga naglabasang fake news 'di umano na nagsasabing agaw buhay na raw si Virgelyn bagay na kanya agad pinabulaanan sa ginawang live video.

Read also

Robin Padilla, naluha sa kalagayan ng mga maliit na artistang nais niyang matulungan

Virgelyncares, nasa ospital; pinabulaanan ang kumakalat na agaw-buhay na siya
Vlogger na si Virgelyn (Photo from Virgelyncares 2.0)
Source: Facebook

"Resulta ng potassium ko, ang baba ng potassium ko and hirap na hirap ako sa paglalakad," bungad ng vlogger.

"Nag-alangan din ako kasi iba-iba yung mga naglabasan ditong short video na sinugod ako, medyo alanganin daw yung kalagayan ko, wag kayong mag-alala. Wag tayong gumawa ng mga content content na iba-iba yung mga kwento," paalala niya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Subalit agad naman niyang ipinakita na may improvement na sa kanyang kalagayan ngayong nasa pagamutan na siya.

Pinasalamatan din niya ang mga nagpaabot sa kanya ng dasal at ang mga nais pang magpadala sa kanya ng mga pagkain sa ospital.

INamin niyang tila dinamdam din niya ang mga problema niya kamakailan, dahilan para bumigay umano ang kanyang pangangatawan. Gayunpaman, nagawa pa rin niyang paalalahanan ang publiko na pangalagaan ang sarili upang hindi na matulad sa kanya na may sakit.

Read also

Ivana Alawi, ipinasilip ang mga natanggap niyang bonggang birthday gifts

Narito ang kabuuan ng video:

Si Marco Rodriguez o mas kilala bilang si Virgelyn ng 'Virgelyncares 2.0' ay isang YouTube content creator sa Bicol na ang pangunahing laman ng kanyang mga video ay ang pagtulong sa kapwa.

Dahil din sa mga subscribers niya ng mga overseas Filipino workers o OFW, lalong dumarami ang kanyang mga natutulungan. Umabot na sa 1.35 million ang kanyang mga subscribers.

Si Virgelyn ang naging daan upang makita ng publiko ang kalagayan ngayon ng dating artista na si Mura.

Subalit kamakailan, tila nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang dalawa dahil 'di umano sa mga nasabi ni Mura sa kanyang Live video patungkol kay Virgelyn.

Gayunpaman, nakapagbigay na muli sila ng mensahe sa isa't isa, nakahingi na rin ng tawad si Mura kay Virgelyn sa kanyang mga nasabi at umaasa silang magkikitang muli.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel