SHS na naglalako ng taho bago magklase, nabiyayaan ng e-bike at sidecar
- Nabiyayaan ng sarili niyang e-bike at sidecar ang senior high school student na naglalako muna ng taho bago pumasok sa klase
- Nag-viral ang video nito na naglalakong naka-uniporme sa gitna ng matinding init ng araw
- Bukod sa e-bike at sidecar na magagamit niya sa kanyang pinagkakakitaan, nakatanggap pa siya ng ibang biyaya mula sa mga nagmalasakit na netizens
- Labis-labis ang kanyang pasasalamat sa hindi inaasahang mga biyaya na ito sa kanya
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Halos hindi makapaniwala ang senior high school student sa Cavite na si Gurprit Paris "Gopi" Singh na mayroon na siyang sariling e-bike at sidecar.
Nalaman ng KAMI na bigay ito kay "Gopi" ng dalawang magkaibigang negosyante na sina Mike Ivander at Renz Marlon Gollaba Mateo ng JRP Thailand na nakakita sa kanyang viral video.
Matatandaang kamakailan lamang din ay nag-viral si Gopi sa paglalako niya ng taho ng naka-uniporme.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Ginagawa niya kasi ito bago pumasok sa paaralan at maging sa break time at matapos ang kanilang klase.
Sa pamamagitan ng sidecar, hindi na mahihirapang maglako si Gopi at hindi rin ito masyadong mapapawisan tulad ng paglalako niya noong buhat pa niya ang mga paninda.
Bukod dito, nakatanggap din ng iba pang mga biyaya si Gopi na labis niyang ipinagpapasalamat. Talagang hindi umano niya inaasahan ang mga ito na siyang magsisilbing inspirasyon naman siya upang pagbutihin pa lalo sa buhay.
Kahanga-hanga ang mga working student na dala ng hirap ng buhay, kinakailangan nilang pagsabayin ang pag-aaral at ang pagtatrabaho.
Kamakailan ay hinangaan din ng marami ang isang delivery rider na nagagawa pa ring dualo ng kanyang online classes habang rumaraket sa pagtatrabaho. Gayundin ang isang working student sa isang fast food chain na ginugugol ang kanyang breaktime sa pagdalo ng kanyang online classes.
Distance learning man ang sistema ng edukasyon sa nagdaang dalawang taon at maging sa ilan pang mga paaralan sa kasalukuyan bilang pag-iingat sa COVID-19, marami pa ring mag-aaral ang hinarap ang hamon na ito sa tulong ng kanilang mga magulang masiguro lamang na tuloy-tuloy pa rin ang edukasyon sa kabila ng mga suliraning dulot ng pandemya.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh