Cristy Fermin, diskumpiyado sa umano'y pagtanggi ni Markus Paterson tungkol kay Janella

Cristy Fermin, diskumpiyado sa umano'y pagtanggi ni Markus Paterson tungkol kay Janella

- Hindi umano naniniwala sina Cristy Fermin na hindi si Janella ang tinutukoy ni Markus Paterson sa kanyang kontrobersyal na pahayag kamakailan

- Ito ay patungkol sa nabanggit ni Markus na huwag umanong makipagrelasyon sa isang celebrity

- Kalaunan, nagsabi siya sa publiko na huwag maging masyadong "assuming" na si Janella ang pinatutungkulan niya sa nasabi

- Duda tuloy ng ilan, baka nakainom daw umano si Markus nang masabi niya ang bagay na iyon

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Diskumpiyado si Cristy Fermin sa naging pahayag kamakailan ni Markus Paterson patungkol umano sa payo sa mga nais na makipagrelasyon.

Cristy Fermin, diskumpiyado sa umano'y pagtanggi ni Markus Patterson tungkol kay Janella
Markus Paterson at Janella Salvador (@superjanella)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na itinanggi kasi ni Markus ang naging haka-haka ng karamihan na si Janella Salvador ang pinatutungkulan nito.

"Hindi raw si Janella ang kanyang pinatatamaan nun e ang isyung pinag-uusapan nun yung una niyang pakikipagrelasyon siyempre si Janella 'yun. Anong maipapayo mo sa mga gustong makipagrelasyon? 'Wag kayong makikipag-date sa artista. o ano ngayon Marcus? hindi ngayo't Marcos na ngayon ang pangulo, tama ka na!" ayon kay Cristy.

Read also

Cristy, sinabing tiklop ang lahat sa isyu nina Marjorie at Dennis kung si Gretchen ang magsalita

Marami ang nagsasabing baka nakakainom si Markus nang masabi niya ito lalo na at ilang araw lamang matapos ang kontrobersyal na komento niyang iyon ay nag-post naman ng papuri kay Janella si Markus.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Ang alak, nakakapagpakapal ng mukha, nakapagpapadulas ng dila. Bibihira 'yung tao na marunong magdala ng kalasingan. Meron 'yung tahimik lang e," dagdag pa ni Cristy.

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Cristy mula sa YouTube channel nila na Showbiz Now Na!

Si Cristy Fermin isa sa mga respetadong showbiz reporter sa Pilipinas. Sa loob ng ilang dekada, pinangunahan niya ang iba't ibang mga talk shows kung saan masasagap ang mga latest showbiz chika.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang kanyang pamamayagpag sa pagbabahagi ng pinakabagong balita at isyu sa entertainment scene ng bansa sa kanyang mga programang Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na! kasama sina Morly Alinio, Romel Chika at Wendell Alvarez.

Read also

Raffy Tulfo, nagpaliwanag bakit tapos na para sa RTIA ang kaso ni Jovelyn Galleno

Matatandaang kamakailan, naging maugong ang showbiz balitang hiwalay na rin umano sina Markus Parterson at Janella Salvador na ngayo'y co-parents nalang sa kanilang anak na si Baby Jude. Gayunpaman, wala pa umanong diretsahang kumpirmasyon sa magkabilang panig.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel